SCRAMBLED ASSORTED GOURMET SAUSAGES


Mahilig ba kayo sa mga gourmet sausages na available sa mga specialty store kagaya ng schublig, bratwurst, hungarian at iba pa? Sa Rustans at SM Supermatket ay mayroon na ding nabibili na ganito sa may specialty section. Yun lang medyo may kamahalan ito. Per grams nga nila ito binebenta.

Sa SM supermarket may nakita akong naka-vacuum packed na ganitong gourmet sausages. Tig-iisang piraso ng schublig, bratwurst, hungarian, kielbasa at cheesey franks. Ang naka-lagay sa label ay barbeque party mix.

Simpleng luto lang ang ginawa ko dito para malasan ko ang ibat-ibang flavor ng sausages. At nagustuhan ko talaga ito. Hindi kasi nakakaumay komo iba-iba nga na flavor. TRy nyo din at tiyak kong magugustuhan ninyo.


SCRAMBLED ASSORTED GOURMET SAUSAGES

Mga Sangkap:
1 pc. Hungarian Sausage
1 pc. Bratwursts Sausage
1 pc. Hungarian Sausage
1 pc. Kielbasa Sausage
1 pc. Cheesy Frank
3 pcs. Eggs beaten
1 medium size White Onion sliced
3 cloves minced Garlic
2 pcs. ripe Tomatoes sliced
2 tbsp. Canola Oil
1/2 cup Sweet Chili Sauce
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-gisa ang bawang sa mantika ng ilang sandali.
2. Isunod agad ang ini-slice na assorted sausages at halu-haluin hanggang sa pumula ng konti.
3. Sunod na ilagay ang sibuyas at kamatis. Halu-haluin
4. Ilagay na din ang binating itlog. Hayaan hanggang sa mabuo ng konti.
5. Ilagay ang sweet chili sauce at timplahan ng konting asin at paminta. Tikman at i-adjust ang lasa. Halu-haluin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Rajsh Sabio said…
yes, ako po i love sausages! will try to cook this at home... thanks po! :)
J said…
Favorite ko ang kiehlbasa!
Ako lahat....hehehe. Ang sarap ito sobra. Habang kinakain mo kasi ibat-ibang flavor yung nalalasahan mo....hehehe..lahat masarap...

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE