THAI BASIL CHICKEN version 2
Masarap ang dish na ito. Asyanong-asyano ang dating. Sa mga makakatikim tiyak kong magugustuhan nila ito dahil kakaiba ang dating ng lasa.
THAI BASIL CHICKEN version 2
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet cut into strips
100 grams Fresh Basil Leaves (alisin yung mga tangkay ng dahon)
3 tbsp. Patis or more
3 tbsp. Oyster Sauce
3 tbsp. Spicy Soy Sauce (or ordinary soy sauce)
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Chili Powder (kung spicy na yung toyo nyo huwag nang lagyan nito)
1 tsp. Cornstarch
3 tbsp. Canola oil
5 cloves minced Garlic
1 medium size Red Onion sliced
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa oyster sauce, asin at paminta ng overnight.
2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
3. Sunod na ilagay ang minarinade na chicken fillet. halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink.
4. Timplahan na ang patis, toyo, chili powder, at brown sugar. Halu-haluin
5. Ilagay na ang sibuyas at hayaan muli ng mga 2 minuto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang dahon ng basil.
8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments