BRAISED CHICKEN in HONEY and FRUITCOCKTAIL SYRUP


Dun sa posting ko about my first attempt na mag-catering, isa sa mga dish na niluto ko ay ang dessert na Fruity Graham Cake. Sa dessert na yun ay gumamit ako ng dalawang lata ng fruitcocktail. At para hindi naman masayang syrup noon, ginamit ko yun para sa dish na ito na entry ko for today. Actually, para din siyang hamonadong manok, yun lang mas matagal ang ginawa kong pagluto dito, para mas pumasok ang lasa ng fruitcocktail syrup sa laman ng manok.

Ayos na ayos ang dish na ito lalo na at malapit na ang Pasko at bagong taon. Alam ko marami sa atin ang gagawa ng fruit salad at iba pang gamit ay fruitcocktail. Para hindi masayang ang syrup ayos na ayos ang dish na ito.


BRAISED CHICKEN in HONEY and FRUITCOCKTAIL SYRUP

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh
Syrup from 2 cans of Fruitcocktail
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
1 small can Pineapple Chunk
1/2 cup Pure Honey Bee
Salt and pepper to taste
1/2 cup Sweet Soy Sauce

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok at hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali, ilagay ang manok ng isang layer skin down. Isalang ito sa apoy at hayaang mag-brown ang magkabilang side.
3. Ilagay ang fruitcocktail syrup, toyo, bawang at sibuyas. Takpan at hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sabaw.
4. Kapag kumonte na ang sabaw, ilagay na ang honey bee at halu-haluin para ma-coat ng honey ang lahat ng manok.
5. Huling ilagay ang Pineapple chunk at hayaan pa ng 2 minuto bago hanguin.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

J said…
Ang galing mo naman kuya! Naisip mo pa i-save ang syrup for another recipe. Ayos!!!
Sayang kasi J....malasa pa naman yun....hehehehehe. Nagustuhan nga ng mga anak ko...hehehe
kat said…
yeah, di ko din tinatapon ang syrup ng in can fruits kasi nahahalo sya sa food. your chicken looks so yummy. visiting from FTF.

http://www.kat-in-the-kitchen.info/2011/12/08/mozzarella-cheese-sticks-with-buffalo-wings/
Thanks Kat...Talagang sa panahon ngayon dapat hindi tayo tapon ngtapon ng mga pwede pang pakinabangan....Lalo na ngayong papalapit na ang holiday, alam ko marami tayong mga left over. Other left-over recipes after the holiday siguro. hehehehe
looks very yum and delish Brother Dennis. I am sure whatever you serve on the table is gone in the seconds. Thank you for sharing the recipe. Dropping some love for FTF, hope that you can return the favor too.

http://www.adventurousjessy.com/2011/12/baking-chocolate-chips-cookie-with-my-little-girl.html
Thanks wifetoalineman02.... Sa haus malalaman mo kung hindi nila nagustuhan ang niluto ko....may natitira. In this dish, ubos talaga.....hehehehe.

Thank again for the visit

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE