MEGAWORLD 2011 CHRISTMAS PARTY @ Resort World Manila

Last December 20, 2011, our company Megaworld Corporation celebrated our annual Christmas Party with the theme "Yuletide and Symphonies". It was held at the Newport theatre of the Performing Arts at the Resort World Manila in Pasay City.

Maaga pa lang ay naka-pila na kami ng aking mga kaopisina for registration sa lobby ng theatre. Lahat ay mga naka-ayos in semi-formal attire ar ready na to party.

Inumpisahan ang programa ng isang panalangin at sinundan ng ilang piling sayaw mula sa beneficiaries ng Megaworld foundation. Syempre, naroon din ang aming Chairman na nagbigay ng kanyang mensahe. Naganyaya din siya ng 1 minutong katahimikan para sa mga nasanlanta ng bagyong Sendong. Nagbigay din siya ng 5 million para sa mga biktima.

Syempre, sinamantala din namin ang pagkakataon para magpa-picture sa aming chairman. Hehehehehe.

May mga cultural performances din na ipinalabas kabilang dito ang benificiaries ng company. Sumayaw sila ng tinikling at iba pa.

May mga piling empleyado din na naghandog ng makabagong sayaw.

Special guest sa programa ang mangangantang si Juriz na naghandog ng maraming naka-inlove na awitin.

Naroon din si Jed Madela na naghandog ng masisigla at todo birit na mga awitin at hindi napigilan ng audience na sumabay sa kanya.

Hindi syempre mawawala ang pagkain komo party ito. hehehe. Cocktail anf pagkain inihanda kaya naman medyo nabitin kami sa food. Hehehehe

Okay naman ang mga pagkain. Hindi ko lang natandaan ang mga pangalan. Ang Genting Club pala ang naghanda ng aming pagkain. Masarap naman siya.

Nandoon syempre ang boss ng aming division na si Ms. Lourdes Clemente. Kahit bawal ang mag-picture sa loob ng venue, nakuha pa rin namin na makasingit para sa picure sa kanya. hehehehe.

Nauna akong umuwi sa aking mga kasamahan. May sakit kasi noon ang aking panganay na anak na si Jake.

Overall, masaya naman ang party-concert na ito na inihanda ng aming HR division para sa lahat ng empleyado. Good Job!!!!

Comments

jet said…
wow you're from megaworld po pala! :-)
Yup Jet.....12 years na ako dito.

Happy New Year to you and your family...

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE