TILAPIA FILLET with GARLIC-MUSHROOM SAUCE

Habang nag-go-groceries kami ng mga bata sa SM Supermarket sa Makati last Sunday, napansin ko itong tilapia fillet sa frozen section. Medyo may kamahalan din ito as compare sa pagbili mo ng fresh na tilapia. Pero isa lang ang nasa isip ko that time na i-try ito nalutuin na may white sauce.

Siguro mga 6 or 8 pieces ng tilapia fillet ang laman ng plastic pack na yun.


TILAPIA FILLET with GARLIC-MUSHROOM SAUCE

Mga Sangkap:
8 pcs. Tilapia Fillet
8 pcs. Calamansi
1 cup All Purpose Flour
1/2 cup Cornstarch
1 pc. Egg
1/2 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Cooking Oil for Frying
For the Sauce:
1 small can sliced Mushroom (i-reserve yung sabaw)
1 head minced chopped
2 tbsp. Butter
1 tbsp. Flour
1 cup Full cream Milk (alaska evap.yun red label)
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang tilapia fillet sa katas ng calamansi, asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 30 minuto o higit pa.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang harina, cornstarch, kaunting asin, paminta at tubig na malamig. Haluing mabuti.
3. Ilagay ang binating itlog hanggang sa humalong mabuti ito sa batter.
4. Sa isang kawali, magpainit ng mantika. Dapat mga 1/2 inch o higit pa ang lalim nito para lubog ang ipi-pritong tilapia.
5. I-lubog ang tilapia fillet sa ginawang batter at saka i-prito sa kumukulong mantika. Lutuin ang magkabilang side hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
6. Sa parehong kawali, alisin ang lahat ng mantika na ginamit sa pagpi-prito.
7. Ilagay ang butter at i-prito ang bawang hanggang sa ma-tusta at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
8. Ilagay ang harina at haluin mabuti.
9. Sunod na ilagay ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito. Halu-haluin.
10. Ilagay na din ang full cream milk at timplahan ng asin at paminta. Maaaring lagyna pa ng tubig o gatas pa depende sa nais na lapot ng sauce.
11. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang nilutong tilapia fillet at lagyan ng ginawang sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
sarap nung garlic bits kuya! Try ko ito pag nakakita ako ng tilapia.

http://notjustafoodblog.blogspot.com
lucy kim said…
omg haha cb http://www.maku-racing.com/images/dn9.php?1f2b8f8-Picture71.JPG
lucy kim said…
omg haha pg http://www.maku-racing.com/images/dn9.php?6n6b2s1-Picture46.JPG
lucy kim said…
This comment has been removed by the author.
lucy kim said…
I will try to cook this at home.My husband will surely like it.

Call Center For Campaigns
Thank Lucy.....I'm sure your hummy will like it.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE