BABY POTATOES with BACON, CHEESE and CREAM - version 2

This is the second time na nagluto ako nitong baby potatoes na ito na may bacon at cheese. Noche Buena din ng 2010 una akong nagluto nito at nito ngang noche buena ng 2011 ay naulit muli sa kahilingan na din ng aking asawang si Jolly.

Para mas lalo pa itong mapasarap ay nilagyan ko ng cream ang recipe at dinagdagan ko na din ng bawang. Masarap ang kinalabasan ng side dish na ito. Creamy, malasa at talagang babalik-balikan mo. Yummy talaga.


BABY POTATOES with BACON, CHEESE and CREAM

Mga Sangkap:
1 kilo Baby Potatoes (hatiin yung iba na medyo malaki)
1 jar medium size Cheese Wiz (pimiento flavor)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 head minced Garlic
1/2 cup Butter
500 grams Bacon (cut into 1/2 inch size)
Salt and Ground Black Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang mga baby potatoes. Maaaring i-brush para mawala ang mga dumi o putik na naka-kapit. Hiwain sa gitna ang mga medyo may kalakihan na patatas.
2. Pakuluan ito sa isang kaserola na may tubig at kaunting asin hanggang sa maluto. Huwag i-overcooked ang patatas. I-drain at ilagay muna sa isang lalagyan.
3. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang sa butter hanggang sa pumula ng bahagya.
4. Sunod na i-prito ang bacon hanggang sa maging crisp ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Ilagay na agad ang all purpose cream at cheese wiz sa pinag-prituhan ng bacon. Halu-haluin
6. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
7. Ilagay na ang nilagang patatas sa ginawang sauce. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng patatas.
8. Hanguin sa isang bowl o lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong bacon.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE