BAGONG TAON 2012 - Sa amin sa Bocaue

Masaganang Bagong Taon sa lahat!!!!

Mula nang ako ay magkapamilya sa bahay ng aking asawang si Jolly sa Batangas kami nagpa-Pasko at sa amin naman sa Bocaue, Bulacan kami nagba-Bagong Taon. Hati di ba? Hehehe.

Bago maghiwalay ang taon, tinatapos namin ito sa pamamagitan ng pag-sisimba at kasiyahan kasama ang mga mahal sa buhay.

Kahit nung mga maliliit pa kami, nakagawian na namin itong party na ito bago mag-hiwalay ang taon. Ginagawa namin ito para hindi antukin habang hinihintay ang pagpatak ng 12 na hudyat sa pagpapalit ng taon.

Every year, ako ang nagho-host sa party na ito. At para sa taong ito naging mas masaya ang party na aming ginawa.

Sa pagtutulong-tulong ng aking mga pamangkin at pinsan sila ang nag-organize sa mga t-shirt na susuotin at sa mga pagkain na ihahanda. Ako naman ang in-charge sa mga games.

May naimbitahan din na mga mananayaw (fire dancers) para mag-perform sa aming party. Pansinin nyo nawalang mga nakaupo dahil baka matamaan sila ng apoy. hehehehe

Syempre, mawawala ba ang mga palaro. Enjoy na enjoy lalo na ang mga bata sa bawat games na aming ginawa.

Pagkatapos ng mga palaro at sayawan, syempre picture-picure naman. Pansinin nyo pala ang naka-tatak sa aming mga t-shirt. Hugis palaka ito na may nakasulat ng lahat ng pangalan na miyembro ng aming pamilya. Yung palaka pala ay sumisimbulo sa bansag sa aming lola na si Lola Neneng palaka. Hehehehe. Di ba uso sa mga probinsya ang ganun. Hehehehe.

Ang tradisyunal na picture taking ng buong angkan ni Simo at Nene.

At sakto namang natapos ang picturan at sumapit ang hinihintay na pag-patak ng bagong taon. Bago nagkainan ay nanood muna kami ng napakagandang mga fireworks.

At sama-sama ang lahat na nag-salo sa inihandang mga pagkain. Una na rito (sa itaas) ang fish fillet with cheesy-garlic white sauce.

Roasted Chicken o Turbo Chicken

Fried Rice syempre

Linguine pasta carbonara. Ako ang nagluto nito per request na rin ng marami.

Crispy Pata

Pinoy Spaghetti na paborito ng mga bata.

Ang ang napakaraming desserts: Malagkit na kakanin, sweet beans, suman, fruit salad, buko pandan, chocolate fondue, fresh melon at tatlong klase ng cake roll.

Matapos ang masaganang kainan, syempre ang inuman at kantahan sa videoke.

Kinabukasan naman ay sama-sama kami ng aking pamilya na pinagsaluhan ang pagkain naman na aming inihanda.

May crispy pata pa rin, chicken lolipop, sugpo na may oyster sauce at pandan, valenciana, malagkit na kakanin, halayang ube, leche plan at minatamis na beans at garbansos.

Naging masaya at mabiyaya ang naging paghihiwalay ng 2011 at 2012 sa aming pamilya. Dalangin ko sa Poon na sana ay ganun din ang mangyari sa amin sa buong taon na ito. Ang pagmamahalan at pagbibigayan nawa ay mangyari sa lahat ng araw at oras. AMEN

HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE