CHEESY PIMIENTO CHICKEN FILLET

Kagaya ng nabanggit ko na sa nakaraan kong post, mainam na gawan natin ng mga twist ang mga classic na lutuin na atin nang nakagisnan. Yun ay para hindi maging boring ang ating mga inuuulam. Kung baga, lumang ulam pero makabago ang lasa. Ofcourse dapat mas masarap siya.

Kagaya nitong entry ko for today. Kung titingnan mo parang chicken afritada lang siya. Pero komo nilagyan ko itong ng quick melt cheese at canned bell pepper o pimiento naging mas masarap at katakam-takam ang ating chicken dish.


CHEESY PIMIENTO CHICKEN FILLET

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken thigh fillet cut into bite size pieces
1 small can Pimiento cut into cubes
2 pcs. Potato cut into cubes
1 medium size Carrot cut into cubes
1/2 bar Quick melt Cheese
2 cups Tomato Sauce
1 tbsp. Sweet Pickel Relish
1/2 cup Butter
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1/2 tsp. Dried Basil
Leeks to garnish
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2. Sunod na ilagay ang manok at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaan ng mga ilang minuto.
3. Ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper o pimiento, sweet pickle relish , dried basil at tomato sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang mga gulay.
4. Ilagay ang ginadgad na quick melt cheese.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng hiniwang leeks.

Ihain abang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarap ng toppings na yan kuya!

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE