GINISANG AMPALAYA with DRIED SHRIMP

Dapat sana simpleng ginisang ampalaya na may itlog lang ang gagawin kong luto sa amplayang ito. Pero nung makita ko ang dried shrimp nang minsang mapadaan ako sa palengke na malapit sa amin, naisipan kong ilahok ito sa akin ngang ginisang amplaya.

Hindi ko alam kung hibe pa rin ba ang tawag dito sa dried shrimp na ito. Yung hibe kasi na alam ko ay yung wala nang balat at ulit na tuyo din.

Masarap na ilahok ang ganitong dried shrimp sa mga ginisang gulay. Malasa kasi ito at punong-puno ng flavor. Kaya naman, kahit mapait sa panlasa ang aking amplaya, na-carry na din ang kabuuuang lasa dahil sa druied shrimp. hehehe


GINISANG AMPALAYA with DRIED SHRIMP

Mga Sangkap:
2 pcs. Amplaya sliced
1/2 cup Dried Shrimp
2 pcs. Tomato sliced
1 large Onion slices
5 cloves minced Garlic
2 pcs. Egg beaten
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Sunod na ilagay ang dried shrimp at lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Hayaang kumulo nang mga 2 minuto.
3. Ilagay na ang ampalaya at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Halu-haluin. Hayaang maluto ang amplaya pero huwag i-overcooked.
4. Huling ilagay ang binating itlog. Hayaang mabuo ng konti hago haluin.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE