HAPPY 3rd ANNIVERSARY TO ALL!!!!

HAPPY 3RD ANNIVERSARY sa inyong Lahat!!!!

Isa na namang taon ang lumipas para dito sa ating munting tambayan. Ang "Mga Luto ni Dennis at Iba pa"

Yes, tatlong taon na pala ang blog kong ito. Parang kailan lang ng umpisahan ko ito at ngayon ay pumapasok na tayo sa pang-apat na taon.

Marami ding pagsubok ang pinagdaanan ng food blog kong ito. Una ay ang pagkasira ng digicam na ginagamit ko at ang pangalawa naman ay ang mga nangongopya ng content ng walang paalam sa akin. At marami pang iba.

Kung tutuusin, hindi pa naman din ganun kalaki o kalayo ang narating ng blog kong ito. As compare sa mga sikat na food blog katulad ng kay Marketman ng Market Manila, o kaya naman ay kay Connie Veneracion ng Pinoycooks, malayong-malayo pa talaga ang tatakbuhin ko.

Pero alam ko, sa tulong nyong lahat na patuloy na sumusubaybay sa akin, alam ko na mararating ko din yun.

Nagpapasalamat ako sa aking mga naging kaibigan sa blogging community, kay J ng http://notjustafoodblog.blogspot.com, kay Gio ng www.thehungrygiant.wordpress.com, kay Willia ng www.foodtripfriday.net at sa marami ko pang naging kaibigan sa blog na ito. Maraming..maraming salamat sa inyo.

Dalangin ko na sana ay magtagal pa at marami pang matulungan ang food blog kong ito dito sa Pilipinas at sa iba pang parte ng mundo.

Mabuhay tayong lahat!!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

J said…
Happy anniversary kuya! At salamat din sa mention hehehe. More power to your blog! + Health and happiness to your family!!!


http://notjustafoodblog.blogspot.com
J said…
P.S. Binata na panganay mo ha! Hahabulin na ng chiks yan!
Thanks J.....para sa ating lahat ang tagumpay na ito. More power also to your blog.
Happy 3rd anniversary Brother Dennis ..wish to look for more healthy recipes from you :-) Visiting from Food Trip Friday, hope that you can return the visit too.

http://www.jessysadventure.com/2012/01/my-husbands-dinner-for-work.html

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE