MAC and CHEESE ala DENNIS

Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraan naming Noche Buena sa bahay ng aking biyenan sa San Jose Batangas. Baked Mac talaga ang gusto kong gawin kaso wala naman kaming oven. Sinubukan ko namang painitan ang ibabaw gamit ng turbo broiler kaso wala ding nangyari. Kaya hinayaan ko na lang na ganyan.

Masarap at overload talaga sa sahog ang mac and cheese ko na ito. Bakit naman hindi, assorted sausages ang inilagay ko bukod pa sa 1/2 kilo ng bacon. Masarap talaga. Try nyo din.


MAC and CHEESE ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Elbow Macaroni (cooked according to package direction)
6 pcs. Assorted Sausages (Hungarian, Bratwurts, Shublig, Italian, Kielbasa, etc.) cut into small pieces
400 grams Bacon cut also into small pieces
1 big can Del Monte Four Cheese pasta Sauce
2 tetra brick All Purpose Cream
2 cups grated Quick melt Cheese
2 pcs. large Red Onion chopped
1 big can Alaska Evap (red label)
1 head minced Garlic
1/2 cup All Purpose Flour
Salt and Pepper to taste
1 tsp. Sugar
1 tsp. Dried Oregano or Basil
3 tbsp. Olive Oil or 1/2 cup Butter

Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang elbow macaroni according to package direction. Huwag i-overcooked.
2. I-prito ang bacon sa olive oil or butter hanggang sa pumula o maging crisp. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. I-prito na din ang assorted na sausages.
4. Sa parehong kawali,igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin
5. Ilagay na ang Four Cheese pasta sauce at timplahan ng asin, paminta, asukal at dried oregano o basil. Hayaang kumulo ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo ang nilutong pasta. Haluing mabuti hanggang ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta. Isalin sa isang baking dish.
8. Sa isang sauce pan, tunawin ang butter at isunod na agad ang harina. halu-haluin.
9. Ilagay na din ang alaska evap at all purpose cream. patuloy na haluin.
10. Ilagay ang 1 cup na grated cheese at timplahan ng asin at paminta. Maaaring lagyan pa ng gatas o tubig hanggang makuha ang lapot na nais para sa white sauce.
11. Tikman ang sauce at i-asjut ang lasa.
12. Ibuhos ang white sauce ginawa ibabaw ng niluting macaroni pasta.
13. Ilagay ang natitira pang grated cheese sa ibabaw.
14. Maaring i-bake ito sa init na 300 degrees hangangsa pumula ang ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Tiyak masarap yan dahil may evaporated milk!

Kuya, sa office mo po sinend ko yung card. Sana hindi napag-interesan. Let me know na lang po kung nakuha mo. Thanks!
Unknown said…
hi ok lng din ba kung hindi sya i-bake?msarap din po ba kya un?thanks
@ Unknown.....Pwede naman....eto ngang ginawa ko no-bake ito at masarap naman ang kinalabasan.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE