PORK and SODA CASSEROLE

Another classic with a twist. Kung titingnan mo sa pict parang pork afritada o menudo lang siya. At kung tutuusin, yun nga ang dish na ito. Pero, may nabasa kasi ako na chicken dish na ginamitan ng softdrinks o soda drink sa pagluluto. Ang pagkakaiba lang nitong version ko ay in-adopt ko yung luto ng afritada. Nilahukan ko ito ng red bell pepper, patatas at carrots. Sa original recipe wala.

HIndi na bago sa atin ang pagluluto na nilalagyan ng soda drink o softdrinks. Gumagamit tayo nito hindi lamang pampalasa kundi nakakatulong din ito para madaling lumambot ang karne na ating pinalalambot. Hindi sa pork barbeque nilalagyan din natin ng sprite or seven-up? Meron na rin akong nagawa na roast pork na nilagyan ko naman ng coke.

Mas masarap kainin ito on the second day na. Mas na-absorb kasi nung meat yung lasa ng sprite soda.


PORK and SODA CASSEROLE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue cut into cubes
12 oz. Seven-up or Sprite Soda
2 cups Tomato Sauce
2 tbsp. Worcestershire Sauce
2 pcs. Potatoes cut into cubes
1 large Red Bell Pepper cut into cubes
1 medium size Carrot cut into cubes
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1/2 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang pork cubes at timplahan ng asin, paminta at dried basil. Hayaang masangkutsa sandali.
3. Ilagay ang worcestershire sauce at sprite na softdrinks. Takpan at hayaang lumambot ang karne.
4. Kung malapit nang lumambnpt ang karne, ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper.
5. Ilagay na din ang tomato sauce. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
As usual, nagugutom nanaman ako! haha
J said…
Kuya kelan ilalagay ang dried basil? Kasabay ba ng asin at paminta?
@ Gio (thehungrygiant).... Salamat sa pag-mentioned mo sa akin sa iyong review post. Nakakatuwa naman.

Regards bro... :)
Yes. J....hindi ko ba nailagay?
Anonymous said…
worcestershire sauce lang po ba ang kailangan talaga ilagay? pwede po ba alternative na lang? ano po bang pwede? thank you po ^_^
@ Jennifer....May dagdag na linamnam kasi kapag may worcestershire sacue. Pero okay lang kung waka ka nito.

Thanks
Anonymous said…
kuya san po ba nakakabili ng basil leaf? bukod sa mccormick meron pa ba iba?
Dennis Glorioso said…
Meron naman ata ibang brand pero di ako pamilyar. Sa mga supermarket kagaya ng SM or Rustans meron sila nun. Thanks for the visit.


Dennis
Anonymous said…
kuya ask ko lang po kung san nakakabili ng worcestershire sauce? available po ba ito sa supermarket? tnx.
Dennis Glorioso said…
Yup meron nito sa mga supermarket. Ang popular na brand sa atin ay yung Lea Perrins pero marami pang ibang brand na pwede din. Yung Lea Perrins nakabalot pa yung bottle nito sa papel.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE