PORK SPARE RIBS in LIVER SPREAD SAUCE

Alam ko ang iniisip nyo sa dish na ito ay ang kaldereta. Oo naman. Yun ang inspirasyon ko nung niluluto ko ang dish na ito. Pero ito siguro ang spare ribs kaldereta in the simpliest form. Bakit naman? Kaunti lang kasi ang mga sangkap pero hindi kakaunti ang flavor at lasa.

Kaldereta talaga ang balak kong luto sa spare ribs na ito. Pero kulang ang mga sangkap ko sa fridge komo nga mga pang-noche buena at media noche ang mga pinamili ko nung bago mag-pasko.

Basta ang nakita ko na lang ay ang lata ng liver spread at ang natirang pork liver na ginamit ko sa lomi nung isang araw.

Nakakatuwa naman dahil masarap at malasa pa rin ang kinalabasan ng dish na ito. Kahit sauce pa lang nito ay pwede nang i-ulam. Basta ihalo mo lang ang sauce sa mainit na kanin. Hehehehe.


PORK SPARE RIBS in LIVER SPREAD SAUCE

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Spare Ribs (cut into cubes in-between bones)
250 grams Pork Liver cut into cubes
1 small can Reno Liver Spread
3 tbsp. Worcestershire sauce
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1/2 cup Tomato Sauce
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion sliced
1/2 cup Butter or margarine
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter or margarine.
2. Ilagay na ang spare ribs at timplahan ng asin at paminta.
3. Lagyan na din ng tubig at tapkan hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang sweet pickle relish, worcestershire sauce, tomato sauce at liver spread. Hayaang kumulo pa ng mga 5 minuto.
5. Huling ilagay ang atay ng baboy at takpan muli hanggang sa maluto ang atay.
6. Ilagay ang maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE