SHRIMP in PANDAN and OYSTER SAUCE

Una na ang paghingi ko ng pasensya sa inyo dahil hindi ko nakunan ng magandang picture ang entry kong ito for today. Medyo busy talaga ako nung bisperas ng bagong taon kaya naman sa pagmamadali ay nawala na sa isip ko na ipo-post ko pala ito dito sa aking blog.

Hindi ko naman talaga plano na i-post itong dish na ito. Pero dahil sa nadagdag na sangkap na lalong nagpa-sarap sa luto kong ito, hindi ko napigilang i-share din ito sa inyo. Pandan ang tinutukoy ko. Nakakagulat pero nakadagdag talaga siya ng flavor sa buong dish.

Isa pa, dapat lang siguro na i-post ko ang shrimp dish na ito. Bakit naman hindi? Eh P700 ang kilo nito. Yes mga readers. Sobrang mahal ang pagkabili namin sa 1 kilo sa sugpo na ito. Kung hindi lang espesyal ang okasyon, hinding-hindi ko bibilhin ito. Hehehehe.


SHRIMP in PANDAN and OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo large size Shrimp (about 15 pcs.)
1/2 cup Oyster Sauce
2 pcs. Pandan Leaves sliced
1 thumb size Ginger julien
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Butter
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang likod na parte ng hipon at alisin yung kulay black na parang sinulid na bituka niya. Hugasang mabuti.
2. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
3. Ilagay na agad ang hipon at mga 1/2 tasang tubig.
4. Timplahan na din ng asin at paminta. Takpan at hayaan ng mga 2 minuto.
5. Ilagay na ang oyster sauce, pandan leaves at brown sugar. halu-haluin
6. Ilagay na ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Minsan lang naman kuya Dennis. Bagong Taon naman eh hehe,

P.S. Na-receive mo po ba ang Christmas card na sinend ko? Please let me know if you do. Minsan kasi hindi nakakarating yung mga cards na pinapadala ko sa Pinas.
Yun din nga ang katwiran ko J....hehehe. Kaya pikit-mata kong binili ang sugpo na ito. hehehehe

No. Wala pa akong nare-received. Hinihintay ko din nga. Saang address mo ba pinadala?

Thanks in advance

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE