SUNDAY MASS with FR. FERNANDO SUAREZ @ ABS-CBN

Last Sunday January 15, 2012, naimbitahan kaming pamilya ng boss ng aking asawa na si Doc Baby Perez na um-attend ng Sunday Mass sa ABS-CBN. Birthday kasi niya sa January 20 at bilang pasasalamat ay nag-sponsor nga siya ng isang misa.

Maaga pa lang as in 3:00am pa lang ay gising na kami para maghanda pagpunta sa ABS-CBN nga. 4:30 kasi ay dadaanan kami ng ka-officemate ng aking asawa na si Ate Lau para sabay na pumunta sa studio.

Kahit aantok-atok pa ang mga kids, behave na behave at exited pa rin sila sa experience na ito. Tanong nga ng bunso kong anak na si Anton kung mapapanood ba daw sila ng lola nila sa Batangas. Hehehehe

si Fr. Fernando Suarez ang nag-celebrate ng mass at talaga namang na-inspire kami sa kanyang homilya. Nagkaroon din ng healing session pagkatapos ng misa.

After ng mass, isinama din kami sa isang simpleng agahan sa UCC Cafe sa may Tomas Morato.

Filipino breakfast ang in-order ko. May kasama itong longanisa, tocino, tapa, scrambled egg at sinangag. May kasama din itong pipino na may kamatis at lettuce sa tabi.

Ginisang tinapa naman na may itlog na maalat ang in-order ng aking asawang si Jolly. Tinapa flakes ito na ginisa. May kasama din itong fried egg at sinangag.

Umuwi kami ng umagang yun na busog ang kaluluwa at katawang lupa. Kaya naman bago mag-uwian at picture-picture pa rin kasama ang nag-sponsor na si Doc Baby (in white in the center) at ang kanyang asawa na si Doc Sison. Nasa larawan din (from left) si Kuya Reggie at si Ate Lau.

I hope na maulit ang experience naming ito. Nakakatuwa nga kasi yung mga friends pa namin sa abroad ang nakakita sa amin sa tv kesa ang mga nandito sa Pinas. Hehehehe.

Till next....

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE