CREAM DORY with CURRY SAUCE
Hindi masyadong tanyag sa ating mga Pilipino ang pag-gamit ng mga spices kagaya ng curry powder. Kahit nga ako, sa mga karinderya lang ako naka-tikim ng mga luto o ulam na may curry. Yung iba hindi gusto ito komo may kakaibang amoy na parang amoy bumbay. hehehehe. Pero nung natutunan kong kumain ito, nagustuhan ko ito talaga at naging part na din ng aming pang-ulam sa bagay. Katunayan naging paborito din ito ng pabnganay kong anak na si Jake.
Na-try ko nang magluto ng dish na may curry powder sa manok, baboy at maging sa karne ng baka. Sa isda ko na lang hindi ito na-try not until last week. Yes. May nabili akong 1 kilo na cream dory at ito agad fish fillet with curry sauce ang aking naisip na gawing luto. Pero siguro, kung magluluto ulit ako ng dish na ito, hindi cream dorry ang gagamitin kong isda. medyo matabang kasi ang lasa ng isdang ito, halos matabunan na ito sa matapang na lasa ng curry powder. Lapu-lapu, maya-maya or tuna marahil ang mainam na substitute.
CREAM DORY wIth CURRY SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory or any white meat fish (cut into serving pieces)
2 tbsp. Curry powder
2 pcs. Potatoes cut into cubes
1 large Red Bell Pepper cut into cibes
1 medium size Carrot cut also into cubes
2 cups Coconut milk or 2 cups Evaporated milk
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 tbsp. Cornstarch
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
cooking oil for frying
1 cup All purpose Flour
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng konting asin at paminta ang cream dory fillet. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang plastic bag, ilagay ang fish fillet at harina. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng harina ang lahat ng fish fillet.
3. I-prito ito hanggang sa pumula lang ng bahagya ang magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
5. Ilagay na agad ang patatas, carrots at 2 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
6. Ilagay na ang red bell pepper, curry powder at gata ng niyog.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at timplahan ng maggie magic sarap.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay sa sauce ang piniritong fish fillet.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments