INIHAW NA BANGUS with a TWIST
Mayroon din silang mga bagong segment at ang isa sa mga nagustuhan ko ay yung portion ni Tita Winnie na nagpapakita ng mga lutong bahay na ang dali-dali lang sundan.
Hindi ko makalimutan ang inihaw na bangus na niluto niya nitong isang araw. Ang pagkakaiba sa version niya ng inihaw na bangus ay, bukod sa kamatis at sibuyas na ipinapalaman natin, nilagyan pa niya ito ng itlog na maalat.
Ihanda nyo na ang maraming kanin kapag ito ang naisipan ninyong pa-ulam sa inyong pamilya. hehehehe.
INIHAW NA BANGUS with a TWIST
Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
6 pcs. Tomatoes sliced
2 pcs. large white Onion sliced
1 thumb size Ginger grated
4 pcs. Itlog na maalat chopped
salt and pepper to taste
1 tbsp. Sesame oil
Yarn o pangtali
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang boneless bangus. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang ginayat na kamatis, sibuyas, grated ginger, itlog na maalat at sesame oil.
3. Ipalaman ang pinaghalong mga sangkap sa loob ng bangus at saka talian para hindi lumabas ang palaman.
4. I-ihaw ito hanggang sa maluto.
Ihain na may kasamang calamansi na may toyo, suka, konting asin at asukal at siling labuyo.
Enjoy!!!!
This is my entry for:

Comments
2 weeks ago, nasa Pinas ako and nagpaluto ako ng inihaw na bangus. Ngayon tuloy gusto ko magpaluto uli - kaso wala naman whole bangus dito heheh.
we also had inihaw the bangus for lunch yesterday, with tomatoes and onions.
Thanks for sharing :)
- Chic Foodie
Thanks for the visit
Dennis
Thanks for the visit
http://www.homecookingwithjessy.com/my-egg-omelet-for-breakfast/