PORK GINILING (Mula sa mga tira-tira na sangkap)

Weekly kami kung mag-grocery ng aming pagkain pang-araw-araw. Madalas sa SM Makati kami namimili. Pag isda naman at mga gulay na pangsahog, sa Arayat Market ako dumadaan at bumibili pag gagamitin ko na.

Asahan mo pag Friday at Saturday paubos na o ubos na ang laman ng fridge namin ng pagkain lulutuin. Asahan mo na mga tira-tira na lang ang laman nito at i-check mo na lang kung ano pa ang pwedeng gawin.

Kagaya nitong entry natin for today. Ang mga Sangkap na ginamit ko dito ay puro tira-tira lang. Yung pork giniling, tomato sauce, sausage at maging yung mix vegetables. Pero wag ka, masarap ang kinalabasan ng tira-tira dish na ito. Bukod sa pangulam, pwede din itong palaman sa pandesal o kaya naman ay ihalo mo sa pasta. Winner ito sa mga kids.


PORK GINILING (Mula sa tira-tira na sangkap)

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Giniling (lean)
1 cup Mix Frozen Vegetables (carrots, corn, peas)
3 pcs. Jumbo Cheesey Chicken Hotdogs (cut into small pieces)
1 cup Tomato Sauce (sweet style)
1/2 tsp. Dried Basil
1 tsp. Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion finely chopped
2 tbsp. Olive oil or butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil o butter.
2. Sunod na ilagay ang pork giniling. Timplahan na din ng asin, paminta at dried basil. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Ilagay na ang mix vegetables, hiniwang hotdogs o sausages at tomato sauce. Halu-haluin. Hayaan ng mga 5 minuto. Maaring lagyan ng konting tubig kung gusto ninyo na medyo ma-sauce.
4. Timplahan ng kaunting asukal o seasoning. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

fatubuntu said…
Sir thanks dito sa recipe, I gonna try this one this weekend. :) baka meron kayo dyan recipe good for pulutan yun madali lang and affordable. :)
@fatubuntu....Salamat sa pagbisita...Meron din ata akong mga recipes sa archive na pwedeng pang-pulutan at pang-ulam na din. May cripsy tengaling, spicy chicken wings at iba pa. Check mo na lang sa archive.

Thanks again....

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE