CRISPY POTATO FRIES

Everybody loves french fries lalo na ang mga bata. hehehehe. Yun lang, kung alam lang natin ang dami ng mantika na nakakain natin kapag kumakain tayo nito... hehehe... baka isumpa mo ang french fries. Hehehehe. Pero kung in-moderation siguro ay okay lang.

Nitong nakaraang araw ay nagluto ako nitong french fries para kako may katerno ang aking homemade beef burger. Kaya lang iniisip ko malalanta o lalambot agad ang french fries e tanghali na magigising ang mga bata. Mainam sana ay yung bagong luto at mainit-init pa. Kaso nga may work pa ako at kailangan kong pumasok ng maaga. Ang ginawa ko? nilagyan ko ng cornstarch ang patatas, konting asin at konting flavoring. Dahil dito naging mas crispier ang patatas at hindi agad-agad lumambot o nalanta.


CRISPY POTATO FRIES

Mga Sangkap:
1/2 kilo Large Potatoes (hiwain sa nais na haba at laki)
2 cups Cornstarch
1 tsp. Garlic Powder
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Ilagay sa plastic bag ang mga hiniwang patatas.
2. Ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil.
3. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat ng patatas. Hayaan muna ng ilang sandali at laug-aluging muli.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika (lubog dapat) hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel

Ihain na may kasamang catsup or mayonaise.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Kuya nabasa ko din yan na mas mare-retain daw ang crispyness pag may corn starch. Yung iba naman, double fried ang ginagawa para restaurant-quality daw.

Kaka-post ko lang din ng sweet potato fries, kuya. Imbis na fried ay baked. Check it out!
Thank J...ayoko ng double fried...mahal nag cooking gas d2 sa PInas....hehehe

Happy Easter!!!!

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE