TORTANG DALAGANG BUKID


No.   Hindi burger patties yan....hehehehe.   Tortang Dalagang Bukid yan...hehehe

Noon ko pa gustong gumawa nitong tortang dalagang bukid na ito.   Yun lang kapag gagawin ko na tinatamad na ako.  Alam nyo naman siguro na kapag wala kayo sa mood na magluto, hindi masarap ang kalalabasan ng inyong niluluto.   Mabusisi o matrabaho din kasi ang pagluluto nito.   Kagaya ng pagluluto ng relyenong bangus, kailangan mong ilaga muna ang isda at saka pagitityagaang alisan ng tinik.   Yun ang medyo matrabahong part.

Also, ang dish na ito ay nagpapabalik sa aking ala-ala noong araw na mga bata pa kami.   Komo nga mahirap lang kaming pamilya, madalas ay isda ang aming iniuulam.   At para hindi maging kasawa-sawa ang paksiw o pritong isda, minsan ay tinotorta ito ng mahal kong Inang Lina.   At itong tortang dalagang bukid ang pinaka-paborito sa mga niluluto niyang ulam para sa amin.   Tansa ko pa na marami akong nakakain kapag ito ang aming ulam.   Ang masarap dito ay yung may sawsawan kang calamansi at patis on the side.   Siguradong mas gaganahan kang kumain.

At ngayon nga, nais kong maranasan din ng aking mga anak ang sarap at pagkagusto ko sa dish na ito.   I hope magustuhan din nila kagaya ng pagkagusto ko sa ulam na ito.


TORTANG DALAGANG BUKID

Mga Sangkap:
1.5 kilo Isdang Dalagang Bukid
1 pc. large Red Bell pepper (cut into small cubes)
1 cup Green Peas
2 pcs. medium size Potato (cut into small cubes)
3 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Liquid Seasoning
6 pcs. Fresh Eggs
5 cloves minced Garlic
1 large Onion finely chopped
2 pcs. Tomatoes finely chopped
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang dalagang bukid at i-steam.
2.   Palamamigin at himayin ang laman ng isda.   Alisin ang maliliit na tinik.
3.   Sa isang kawali, i-prito ang patatas hanggang sa maluto.
4.   Sunod na igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
5.   Ilagay na din ang green peas, red bell pepper at ang hinimay na dalagang bukid.
6.   Timplahan ng mga pampalasa, toyo, liquid seasoning, asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin ng konti.
8.   Batihin ang mga itlog at ihalong mabuti sa nilutong isda.
9.   I-prito ito sa kawaling may kaunting mantika ayon sa nais ninyong laki ng inyong torta.

Ihain na may kasamang patis na may calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy