ENSELADANG SINGKAMAS at PIPINO

Sa post ko kahapon tungkol sa nakaraan naming summer outing sa White Rock sa Subic Zambales, nabanggit ko ang mga pagkain na aming kinain at isa na doon itong enseladang singkamas.

Nagustuhan ko siya.   Tamang-tama sa mga prito o inihaw na isda man, baboy o manok.   Kaya naman nang umuwi ako sa Batangas para dalawin ang aking mga anak, naisipan kong gumawa din nito para i-terno sa pritong tilapia na aking lulutuin.

Bukod sa singkamas, nilagyan ko din ito ng pipino na lalo pang nagpa-sarap sa kabuuan ng enselada.   At sa pinaghalong suka, paminta, asin at asukal, naging tunay na masarap at nakakagana ang inyong pagkain.  Try nyo din.


ENSELADANG SINGKAMAS at PIPINO

Mga Sangkap:
1 pc. large size Singkamas cut into strips
1 pc. medium size Pipino cut also into strips
3pcs. Tomatoes sliced
1 cup Cane Vinegar
2 tbsp. White Sugar
1 tsp. Rock Salt
1/2 tsp. ground Black Pepper

Paraan ng paghahanda:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang suka, asin, paminta at asukal.   Tikman at i-adjust sa nais na asim, tamis at alat.
2.   Sa isa pang bowl paghaluin ang hinwang singkamas, pipino at kamatis.
3.   Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa singkamas at pipino.   Haluin ng kaunti
4.   Ilagay muna sa frisge at i-chill ng mga 30 minuto.

Ihain kasama ang ulam ninyong inihaw o pinirito.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
nakakagana sa pagkain po yan

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy