LECHON KAWALI at KALABASA sa GATA


Kapag nagluluto ako ng pang-ulam sa bahay, ang niluluto ko ay yung good for 2 meal na.  Meaning ulam namin ito sa tanghali at ulam na din sa gabi o sa dinner.   Ganito ang ginagawa ko para makatipid na din sa cooking gas na sobra ang mahal sa ngayon at para na rin makaiwas sa init ng kalan habang nagluluto.   Huh!   Ang init talaga dito sa Pinas.   Hehehehe.

Kagaya nitong Lechon Kawali na niluto niotng nakaraang araw.   More than 1 kilo ito.  Siguro koo nasarapaan sa sa ulam, kakaunti ang natira at parang bitin sa aming 5 para sa dinner pa.  Kaya ginawan ko ng paraan para magkasya ito sa amin.   Ang solusyon?   ginisa ko ito na may kasamang kalabasa at gata ng niyog.   Ang kinalabasan, nabusog ang lahat ay may konti pang natira na pambaon.   hehehehe.   Ito ang palagi kong sinasabi na maglalagay ng extender para maparami ang dish na niluluto.  


LECHON KAWALI at KALABASA sa GATA

Mga Sangkap:
300 grams Lechon Kawali cut into cubes
500 grams Kalabasa cut also into cubes
2 cups Pure coconut milk
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 tbsp. Canola oil
1 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.   halu-haluin.
2.   Sunod na ilagay ang kalabasa at gata ng niyog.   Timplahan na din ng asin at paminta.
3.   Kung malapit nang maluto ang kalabasa ay saka ilagay ang lechong kawali.
4.  Timplahan ng maggie magic sarap.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

zachariketayluz said…
wow sarap naman kuya dennis
zachariketayluz said…
the best talaga ang blog na ito para sa akin matagal nyo na akong tagasubaybay kuya dennis ang dami nyo naituturong kaalaman sa amin! Idol talaga kita pagdating sa kusina mabuti at nakapagcomment na din ako sa wakas.
Salamat zachariketayluz.....basta pag may questions ka email mo lang ako.

I hope i-share mo din itong blog ko among your friends and relatices.

Thanks again

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE