PORK and MUSHROOM in OYSTER and BLACK BEANS SAUCE


Mahirap din pala talaga ang mag-food blog.   Sa blogging kasi, importante na may bago ka palaging inilalabas para mas lalong makakuha ng atensyon sa mga mambabasa.   Pansin ko yan sa trend ng mga visitors ng blog kong ito.   Sabagay, ganun naman talaga, sino ba naman ang may ayaw ng bago?   But not all new are good.   Madalas ding mangyari sa akin yan, na pumapalpak ang aking luto lalo na kung hindi pangkaraniwan ang dish na lulutuin.

Hindi ko alam kung ano talaga ang tawag sa dish na ito na entry ko for today.   Basta lang kasi ginisa-gisa ko lang ang mga sangkap, pinalambot ang karne, at presto nakabuo na din ako ng isa pang bagong dish.  


PORK and MUSHROOM in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue cut into cubes
2 tbsp, Black Bean Sauce (unsalted)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
2 tbsp. Canola Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplaha ng asin at paminta ang karne ng baboy.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-brown ang karne ng baboy sa mantika.
3.   Itabi ng konti ang karne at igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Ilagay na ang black bean sauce at soy sauce.   Lagyan na din ng 1 tasang tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.   Maaring lagyan pa ng tuig kung kinakailangan.
5.   Kung kokonti na ang sabaw atr malambot na ang karne, ilagfay na ang oyster sauce at brown sugar.  Hayaan ng ilang minuto.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay ang cornstarch na tinunaw sa tubig para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Dear followers and readers,

You may post your comments at the bottom of every recipe. Just click the ADD COMMENT.

Thanks


DEnnis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)