SESAME PAN GRILLED CHICKEN FILLET


Hindi kami nakapag-grocery nitong nakaraang Linggo komo nga nag-checkin kami sa Eastwood Richmonde Hotel. Okay lang naman dahil may natira pa namang chicken at pork sa freezer para pang-ulam namin.

Ang problema, ubos na pala ang mga pangsahog kagaya ng sibuyas, carrots o anumang gulay na pwedeng gamitin. Napa-isip tuloy ako kung anong luto ang pwede kong gawin sa 1 kilo na chicken breast fillet na uulamin namin. Tiningnan ko kung ano ang mayroon sa among cabinet at mayroon pang oyster sauce, sesame oil at doon nabuo ang dish na ito.

Nakakatuwa dahil masarap ang kinalabasan ng dish na ito. Sabagay, ano ba ang magiging mali kapag nilagyan mo ng oyster sauce at sesame oil?


SESAME PAN-GRILLED CHICKEN FILLET

Mga Sangkap:
4 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (skin on)
3 tbsp. Oyster Sauce
1 tsp. Sesame Oil
1 tbsp. Soy Sauce
2 tbsp. Star Margarine
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang chicken breast fillet hanggang sa numipis ng mga 1/2 inch ang kapal.
2. I-marinade ang chicken fillet sa lahat ng mga sangkap. Tiyakin na na-mix lahat ito sa lahat ng parte ng manok. Hayaan ng mga 1 oras o higit pa.
3. I-pan-grilled ito hanggang sa pumula ang magkabilang side at maluto.

Ihain habang mainit pa na may kasamang gravy o sawsawang toyo at calamansi.

Enjoy!!!



This is my entry for:
FTFBadge

Comments

You may now post comments in this new format of my blog. Thanks

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE