CHICKEN and BABY POTATOES in CREAM



Here's another simple dish na tiyak kong magugustuhan ninyo kagaya na din ng aking mga anak.   Madali lang siyang lutuin at simple lang ang mga sangkap.   Kung baga, kahit hindi marunong magluto ay kayang gawin ito.

Ginaya ko lang yung luto sa sliced beef na nai-post ko na din sa blog na ito.   Marami ang nagka-gusto sa dish na yun at naisip ko lang na bakit hindi naman sa chicken ko gawin.   At success naman dahil masarap ang kinalabasan ng dish na ito.


CHICKEN and BABY POTATOES in CREAM

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh and Legs cut into serving pieces
1 tetra brick All Purpose Cream
250 grams Baby Potatoes (properly wash and cut into half)
1 cup Green Peas
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large size Onion sliced
1 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Butter or margarine
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang manok.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang manok sa butter hanggang sa mag-brown ng kaunti ang balat.   Hanguin muna sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
4.   Ibalik sa kawali ang manok at lagyan ng 1 tasang tubig.   Takpan at hayaan ng mga 5 minuto.
5.   Ilagay na ang baby potatoes at takpan muli.   Hayaang maluto ang patatas.
6.   Ilagay na ang all purpose cream at green peas.
7.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot pa ang sauce.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
My goodness!!!! Everytime i open your blog naeengganyo akong kumain..so simple yet looks so delicious yung mga "ulam" nyo...more power to pinoy foods!!!!
Thanks Anonymous.... I hope mag-member ka sa google para mag-appear ang name mo sa comment. Salamat naman at nagugustuhan mo ang mga ginagawa ko. :)


Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE