HOTDOG MILK and CHEESE MACARONI


Itong pasta dish na ito ang masasabi kong tiyak at siguradong-sigurado ako na magugustuhan ng mga kids.   Bakit naman hindi?   Hotdog, milk at cheese lang ang sangkap na ito na gustong-gusto ng mga bata.   Tapos inihalo pa sa macaroni at nilagyan pa ng extra melted cheese.  Kasi siguro ang mga matatanda ay magugustuhan ito.

Ito ang breakfast namin nitong nakaraang araw.   Nabanggit ko nga na minsan sa isang linggo ay nag-iiba ako ng kinakain namin sa almusal.   Yun ay para naman maiba sa nakasanayan natin na kanin at ulam.   Ang mainam dito, kung may matitira man ay pwede pang gawing snacks sa hapon.  


HOTDOG, MILK and CHEESE MACARONI

Mga Sangkap:
400 grams Elbow Macaroni cooked according to package direction
250 grams Purefoods Tender Juicy Hotdog sliced
1 small can Alaska Evap Milk (yung red ang label)
1 cup grated Cheese
1 cup Cheese Wiz
1 tsp. dried Oregano or basil
2 tbsp. Butter
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion finely chopped
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Lutuin ang macaroni according to package direction.   Kumuha ng 1 tasa ng sabaw na pinaglagaan ng macaroni.
2.   Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3.  Sunod na ilagay ang hiniwang hotdog.   Halu-haluin hanggang sa maluto.
4.   Ilagay na ang dried basil or oregano, alaska evap at 1 tasa ng pinaglagaan ng macaroni.
5.   Timplahan ng asin at paminta.   Ilagay na din ang grated cheese.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagaya na ang na-drain na macaroni pasta at haluing mabuti.

Ihain na may grated cheese or cheese wiz sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE