TAPUSAN sa SAN JOSE BATANGAS 2012

Every year, ginagawan ko pa rin ng post ang tapusan na nagaganap sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas.   Bakit naman hindi?   Pag sinabi nating tapusan sa Batangas, ito ay katulad din ng fiesta sa amin sa Bulacan.   At pag sinabing fiesta, syempre hindi mawawala ang masasarap na pagkain na naka-handa sa bawat tahanan.


Ang mga fiesta ay ginagawa bilang pasasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanyang ibinibigay sa atin.   At sa buwan ng Mayo, partikular na pinasasalamatan natin ang Diyos at si Mama Mary sa kanilang mga tulong.   Kaya marapat lang na bago tayo pumunta sa mesa (food table), marapat lang na mauna ang pagputa natin sa misa (mass) ng pasasalamat.

As always, naghanda ang panganay na kapatid ng aking asawa na si Ate Pina para sa taong ito.   Marami ang handa.   Isinabay na din kasi niya dito ang handa para sa kanyang 60th birthday, ang birthday ng kanyang mga apo at ang pag-galing ng ng kanyang asawa mula sa isang aksidente.

Maraming handang pagkain sa mesa.   May lechon na hindi nawawala sa mga fiesta at marami pang iba.   Nagustuhan ko ang lechon na ito kahit konti lang ang kinain ko (bawal kasi eh...huhhuhu).   Maganda kasi ang pagkaluto at malutong at malasa talaga ang balat.   Para ngang dinaanan ng bagyo ang lechon after nung first batch na mamimista.   hehehe

Maraming ulam na handa.   Nagpatay din kasi ng baboy ang may birthday.   Mayroong pochero (nasa itaas).

Mayroon ding adobo.   Ewan ko pero masarap at malasa ang pagkaluto nila nito.   Kakaiba sa nakasanayan nating adobo.

Mayroon ding Asado.   Ito naman yung pork hamonado sa amin sa Bulacan.   Yung pork na niluto sa pineapple juice.   masarap din ito.

Nasa itaas naman yung relyenong bangus na ginawa ko.   6 large size lang yung ginawa ko.   Yung apat ang aking ibinigay sa may birthday at yung dalawa naman ay ibiigay ko sa aking biyenan at yung isa naman ay sa aking bilas na nag-alaga sa aking mga anak.

Nasa itaas ang may birthday na si Ate Pina.   Ang mga handa pala ay handog ng kanyang anak na si Marissa na nasa ibang bansa.

Enjoy talaga ang lahat sa mga pgkaing nakahain.   Maging ang aking asawang si Jolly at anak na si Jake ay nakigulo sa pagkuha ng balat ng lechon.   Hehehehe.

Umuwi kaming lahat na busog at masaya.

Enjoy talaga.   hehehe

Comments

J said…
Sarap nung lechon!
Becky said…
Happy Birthday po kay Ate Pina. Ang sarap naman ng mga handa ninyo. Nakakamiss tuloy yung mga fiesta sa Pinas.

By the way, new follower po ako :)
Dennis said…
Thank J.....Sinabi mo. Yan ang lechon na masasabi kong perfect ang luto. Kahit malamig na siya ay malutong pa rin ang balat. Yun lang pinigilan ko talaga ang aking sarili at mahirap na.....hehehe
Dennis said…
Thanks Becky... I hope nagugustuhan mo ang mga pino-post ko sa food blog kong ito. Sana din mai-share mo ito among your relatives and friends.

Regards,


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy