WHITE CHICKEN AFRITADA

Ang afritada ay isang dish na ipinamana sa atin ng ating mga ninunong Espanyol.   Manok o baboy ito na niluto sa tomato sauce at nilagyan ng patatas, carrots, green peas at bell peppers.   Dati nakikita lang natin ito sa mga handaan kagaya ng fiesta or kasalan.  Pero ngayon parang isang ordinaryong ulam na lang natin ito.

Kung tutuusin hindi naman talaga afritada itong dish natin for today.   Wala naman kasi itong tomato sauce.   Ginamit ko lang ang salitang afritada komo halos lahat ng sangkap at paraan ng pagluluto dito ay kapareho ng sa orihinal na afritada.   Sa halip na tomato sauce, all purpose cream at butter ang ginamit ko dito.   Masarap at malinamnam ang sauce nito.   Kung baga sauce pa lang ay ulam na.   Hehehe


WHITE CHICKEN AFRITADA

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (cut into serving pieces) o 1 Whole chicken cut into serving pieces
1 large Carrot cut into cubes
1 large Potato cut also into cubes
1 large Red Bell Pepper cut also into cubes
1 cup Green peas
1 tetra brick All Purpose Cream
2 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tsp. maggie magic sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang mga piraso ng manok.   Hayaan ng mga ilang minuto.
2.  Sa isang non-stick na kawali i-brown ang manok sa butter.
3.  Itabi lang ang mga manok sa gilid ng kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Ilagay na din ang patatas at carrots.   Lagyan ng mga 1 tasang tubig at takpan.  Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang patatas.
5.   Sunod na ilagay ang red bell pepper, green peas, maggie magic sarap at all purpose cream.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Hello po kuya! Salamat po sa dish na ito. Sinubukan ko po sya gayahin at luckily naging masarap naman po sya. Hrm student po ksi ako at mahilig mag luto. Dinagdagan ko din po sya ng konting cheese para lalong naging creamy at malasa. Salamat po uli kuya! Marami pa po akong gustong itry sa mga dish nio. :) hopefully maluto ko din po ang mga yun soon. :) salamat po uli! Keep it up kuya! Godbless you more!!! -princess
Dennis said…
Thanks Princes...Salamat naman ang nakakatulong ako sa mga estudyante na kagaya mo. Basta may tanong ka sa mga recipes na naka-post dito, email mo lang ako at sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.

Please share this blog also among your friends, classmates and relatives.

Thank you
rosela said…
hi dennis,
wala akong makitang tetra brick all purpose cream dito, pwede ba e substitue ang nestle table cream? thanks, merry christmas to you and your family!!
Dennis said…
HI Rosela...Yup okay lang. Basta hindi yung pang-cake ha. Hehehehe

Merry Christmas!
Unknown said…
ito ang menu namin later
Dennis said…
Thanks Mike...Try it...masarap yan :)

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy