CRISPY FRIED LIEMPO


Nung unang inilabas ng Chowking yung Chinese Style Fried Chicken nila, na-curious talaga ako, kung papaano nila ito nagawa at yung sang na ipinang-marinade nila.   Masarap kasi as compare dun sa fried chicken ng ibang kilalang fastfood.

Until mapanood ko yung commercial ulit ng Chowking na si Boy Abunda yung nagtatanong sa Chef kung ano nga ang sekreto ng fried chicken nilang ito.   Hindi rin sinabi kung ano nga ang sekreto pero ipinakita kung ano ang inilalagay sa chicken para maging extra crispy ito.

Sa tingin ko ay rice flour na ginawang batter ang ipinang-coat sa chicken para maging crispy ito.   At yun nga ang ginawa ko sa pork liempo na ito na iniulam at binaon ng mga kids ko nitong nakaraang araw.   Hindi man perfect o kahawig sa lasa ng nasa chowking, pero malutong nga ang kinalabasan ng fried pork liempo kong ito.  Pwede nyo ding subukan.   hehehehe


CRISPY FRIED LIEMPO

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Liempo (cut into about 3 inch long)
3 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
For the batter mix:
Rice Flour
Cold Water
Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste
Cooking oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang hiniwang liempo sa asin, paminta at sesame oil.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang rice flour, asin, paminta, cold water at maggie magic sarap.   Wala akong measurement o sukat na inilagay.  Basta ang kailangang tandaan lang ay dapat malapot ang batter mix para kumapit ng husto sa  liempo.
3.   I-lubog ang liempo sa ginawang batter mix at i-prito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay ng magkabilang side.
4.   Hanguin sa lalagyang may paper towel.

Hiwain sa nais na laki at ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng lechon o catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
pwde din to sa chicken? :)
J said…
Sarap niyan kuya... crispy with taba hehe.
Dennis said…
@Anonymous...Yup...kaya sabi ko nga yung Chinese style fried chicken ng chowking ang pinaggayahan ko niyan.

Thanks for the visit.
Dennis said…
@J....Hehehehe...Di naman masyado...hehehe...manipis lang ang taba niyan....hehehe.
Sherie said…
hi kuya, san po nkakabili ng rice flour. Parang ang hirap hanapin sa mga supermarkets. Thanks
Anonymous said…
hi! po ano tagalog nung rice flour?
Dennis said…
Hi Sherie....Nandito ka ba sa Pilipinas? If yes, meron nito sa mga supermarket kagayan ng SM. Sa mga palengke din meron. If not, sa mga asian specialty store I think meron nito.

Thanks for the visit
Dennis said…
@ Anonymous.....Bigas na harina? hehehe. Hindi ko din alam. Pero ito yung malagkit na bigas na ginawang pulbos. Ginagamit din ito sa pagluluto ng palitaw or kalamay.

Thanks for the visit..pakilala ka naman....hehehe
Anonymous said…
cge tamang tama pinapadalhan kami palagi ng uncle ko nun na nsa hawaii. salamat po kc atleast magmit nmin sa iba pa pla un bukod sa palitaw at ginataa.
Anonymous said…
kuya tip naman po sa pagluto ng crispy pata
Dennis said…
@Anonymous....Una, pakilala ka naman...hehehehe

Para sa crispy pata...una dapat batang baboy ang patang gagamitin. Mapapansin mo ito kung medyo may kakapalan ang balat. Pangalawa, pakuluan ito sa tubig na may maraming asin... Lagyan din ng bawang, sibuyas, paminta, dahon ng laurel o tanglad hanggang sa lumambot. Palamigin muna. Tusuk-tusukin din ng tinidor o kutsilyo ang paligid na balat ng pata sa ilagay sa freezer. I-prito ito ng lubog sa mantika. Pwede din na lutui sa oven o turbo broiler.

Check mo din ang ilan sa crispy pata recipe ko sa archive under pork label.

Thanks


Dennis
Anonymous said…
H! Kuya lage q po binabasa ung page nyo! Madami na po ako nagaya sa lu2 u.hehehe at ang daming bagong recipe at tip ang binibigay nyo.super usefull tlga nang mga tip u kuya.thx po tlga god blss...
Dennis said…
Hello! Ikaw din ba yung anonymous sa itaas na comment? Pakilala ka naman para mas maganda. hehehehe

Natutuwa ako dahil nakakatulong ako kahit papaano sa iyo. I hope i-share mo din ang blog na ito sa iyong mga kaibigan at kamag-anak.

Thanks Again.
Unknown said…
Ano po pweding eh substitute sa sesame oil?
Unknown said…
Ano po pweding eh substitue sa sesame oil
Dennis said…
Sorry pero wala. Yun kasi ang magbibigay ng kakaibang flavor sa dish na ito.
Anonymous said…
PDE poh b substitute ang ordinary flour LNG poh
Anonymous said…
Kuya Dennis AQ poh c GLezel..PDE n poh b substitute ang ordinary flour LNG poh? Pls reply
Dennis said…
Pwede naman ..pero madali kasing mawala yung lutong kung harina ang gagamitin.
Dennis said…
Pwede naman...pero hindi sing lutong kung rice flour ang gagamitin

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW