BREADED PORKCHOP SURPRISE



What is the surprise in this breaded porkchops?   Siguro yan ang tanong ng marami sa mga makakabasa ng post kong ito for today.   Simple lang naman ang sagot.... the taste.   Yes, yung lasa ang suprise sa simpleng pritong porkchops na ito.   Bakit naman?   Nilagyan ko kasi ito ng dried basil.  

Actually, nabasa ko lang ang recipe nito sa isa pang food blog na lagi kong binibisita ang www.yummy.ph.   Ang pagkakaiba lang nitong ginawa ko ay inilubog ko muna ang porkchops sa batter saka ko iginulong sa Japanese breadcrumbs.   Mas crunchy ang kinalabasan at mas masarap.


BREADED PORKCHOP SURPRISE

Mga Sangkap:
10 pcs. Porkchops
1 tsp. Dried Basil
1 pc. Egg
1 cup Cornstarch
2 cups Japanese Breadcrumbs
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang porkchops (magkabilang side) ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil.   Hayaan ng mga 1 oras.   Overnight mas mainam.
2.   Sa isang bowl, ilagay ang cornstarch at kaunting malamig na tubig.   Haluin itong mabuti.   Dapat medyo malapot ang kalabasan.
3.   Ihalo na din ang binating itlog at timplahan ng kaunting asin at paminta.
4.   Ilubog sa ginawang batter ang porkchops at saka igulong naman sa Japanese breadcrubs.  I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.

Ihain habang mainit pa na may kasamang gravy, catsup o Mang tomas sarsa ng lechon.


Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge


Comments

J said…
Yum, sarap nga niyan kuya! I love basil!
thess said…
Hi Sir Dennis. Avid follower ako ng blog mo. :) Tinry ko tong recipe na to, kaya lang di masyado dumikit yung breading sa pork? Ano kaya ang mali ko nagawa? Thanks. :)
Hi Thess.... Ginawa mo din ba yung batter? Yun kasi ang magpapadikit dun sa Japanese breadcrumbs.
Thanks J....favoriteko rin ang asil lalo na sa mga pasta dishes...:)
Tetcha said…
So dried basil is the secret to yummy pork chops! I'll definitely try your recipe. Thanks for sharing!
Tama Tetcha....malasa kasi ang dried basil.

Thanks for the visit :)
peachkins said…
I love Basil!!! I'm sure masarap talaga to!
Dennis Glorioso said…
Masarap peachkins.....nag-levelup yung ordinaryong pritong porkchops. Thanks for the visit :)

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE