JAMES 12th BIRTHDAY

Birthday ng aking pangalawang anak na si James nitong nakaraang August 19 at nagkataon namang long weekend dito sa Pilipinas.   Na-declaire kasi na non-working holiday ang August 20 sa pagtatapos ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim at August 21 naman ay non-working holiday day sa pag-gunita naman sa kamatayan ng dating Senador Ninoy Aquino.

Napagpasyahan namin na sa Batangas mag-spend ng long weekend na ito at sa pag-celebrate na rin ng birthday ng aking anak.   Isinabay na din ito sa blowout ng kanyang Tita Lita na kanya ding ninang na kagagaling lang sa Abu Dhabi.

Nagluto din ako ng pasta sa mismong araw ng kanyang birthday.  Nagpabili din ng cake ang aking asawang si Jolly para naman daw makapag-blow ng candle ang may birthday.

August 20 Lunes nga isinabay ang birthday ng aking anak na si James sa blowout ng kanyang Ninang Lita.   Sa Lobo, Batangas ginanap ang masaganang celebration.   Maraming pagkaing ipinaluto ang host at nag-order din ng isang buong lechon.



Nagustuhan ni Lita yung ginawa kong Kani and cucumber spring roll nung birthday ng anak kong si Anton kaya nagpagawa siya ulit nito.

Share ko naman itong Lasagna na hiling na din ng may birthday.   Yun lang ground pork naman ang ginamit ko dito sa halip na beef.

Mayroon niluto di akong crab with butter and garlic.

Nagluto naman ng cocido ang aking bilas na si Ate Azon.


Mayroon din akong nilutong Beef Caldereta ang Relyenong Bangus na hindi ko na na post dito ang picture.

Masaya at nabusog ang lahat sa mga niluto naming pagkain.   May mga natira pa nga komo ilan lang naman kaming nakapunta doon sa lugar nila komo nga may kalayuan.


Matapos ang kainan ay nagpuntahan naman ang mga bata sa tabi ng dagat.   Hindi sila gaanong nakapaligo komo may kalakasan ang alon ng dagat.   Ganun pa man ay nasiyahan na lang kami sa pagtatampisaw at sa panonood sa magandang kapaligiran.


12 years old na ang aking anak na si James.   Dalangin ko na sana ay lumaki pa siyang malusog at malayo sa mga karamdaman.   Maabot naman niya ang kanyang mga pangarap sa buhay at lumaki nawa siyang may pagmamahal sa Diyos, sa amin na kanyang mga magulang at sa kanyang mga kapatid.  AMEN.

Comments

J said…
Happy birthday, James!

Hay, kuya! Ang bilis ng panahon, ano?
Thanks J... Oo nga....parang dati lang ay mga baby ko pa ang mga ito...hehehe.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE