NO BAKED BEEF LASAGNA ala DENNIS



Yes, No Baked Beef Lasagna ang ating recipe for today.   Ito yung isa sa mga hiniling ng anak kong si Anton na lutuin nung nag-birthday siya last August 8.   No bake komo nga wala kaming oven sa bahay...hehehehe.   Pero kahit hindi ito na-bake, wag ka, masarap at nagustuhan talaga ng mga kumain ang lasagna na ito.

Hindi ko matandaan kung nakagawa na ako ng ganito sa archive.   Pero masasabi kong proud na proud ako sa isang ito.   Kahit yung white sauce na inilagay ko sa ibabaw ay talaga namang katakam-takam.


NO BAKED BEEF LASAGNA ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Lean Ground Beef
1/2 kilo Lasagna pasta (cooked according to package direction)
1 big can Del Monte 4 Cheese Pasta Sauce
1 cup chopped Fresh Basil Leaves
1 head minced Garlic
2 pcs. medium size Garlic chopped
1 cup grated Cheese
1 tsp. ground Black Pepper
1 tbs. Brown Sugar
3 tbsp.  Olive Oil
Salt to taste
For the Sauce toppings:
1 tetra brick All Purpose Cream
1/2 cup Butter
1/2 cup Flour
1/2 cup Full Cream Milk
1 tsp. Maggie  Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Grated Cheese
Dried Basil

Paraan ng pagluluto:
1.  Lutuin ang lasagna pasta sheets according to package direction.   Lutuin itong mabuti komo hindi nga natin ito ibe-bake.  make sure lang na hindi magkadurog-durog ang bawat sheets.
2.   Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Sunod na ilagay ang ground beef at timplahan na din ng asin at paminta.   Hayaang maluto hanggang sa mawal ang pagka-pink ng karne.
4.   Sunod na ilagay ang 4 cheese pasta sauce, chopped fresh basil leaves at brown sugar.   Hayaang kumulo ng mga 10 minuto.
5.   Huling ilagay ang grated cheese.  
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Alisin muna sa apoy
To assemble:
8.   Sa isang square baking dish, ihilera ng 1 layer sa base ang nilutong lasagna.
9.   Lagyan ng nilutong beef ang unang layer.   Lagyah muli ng lasagna sheets and alternate lang ang paglalagay.
For the sauce:
9.  Sa isang sauce pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw ito.
10.  Sunod na ilagay ang harina at halu-haluin.
11.   Sunod na ilagay ang all purpose cream at full cream milk.    Timplahan na din ng asin, paminta at maggie magic sarap. 
12.   Patuloy na haluin.   Maaring lagyan pa ng milk para makuha ang malapot na consistency ng sauce.
13.   Tikman at i-adjust ang lasa.
14.   Ibuhos ang white sauce na niluto sa ibabaw ng layered na beef lasagna.  Dahan-dahan ang gawing pagbuhos para hindi kumalat ang sauce ng beef.
15.   Budburan ng grated cheese pa sa ibabaw.   Budburan din ng dried basil leaves sa ibabaw.

Hayaan munang lumamig ng bahagya bago i-slice o i-serve.


Enjoy!!!



This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Anonymous said…
Hi Sir, si Mommy Marie po ito. Timely ang recipe niyo kasi sa taas ng electric bill eh ayoko na gumamit ng oven namin (electric oven kasi). Gustong gusto ko magluto ng lasagna kasi may extra noodles ako na regalo. Thank you po sa recipe!
You're welcome Mommy Marie.....
tere said…
same lang din po ba procedure if gagamit oven? matagal ko na po talaga gusto gumawa lasagna kaso ayaw ko ng complicated.
Yes Tere....Huwag mo lang i-overcooked yung pasta. Siguro lutuin mo siya sa oven ng mga 15 minutes pa after ma pre-heat mo siya at 350 degrees. Thanks for the visit.
Iska said…
Wow! Kahit hindi na-bake masarap pa din :-) Miss ko na ngang magluto nyan matagal na ang huli kong lasagna.
Belated happy birthday sa anak mo na halos kasabay ko.. ako ay 7th.
Thanks pinkcookies.....
Thanka Iska...bago kainin mas mainam na iinit muna sa microwave or oven toaster.....Masarap talaga....hehehe
Claire said…
Nakaka gutom...kaya nga po mas madalas ko nang basahin ang blog ninyo kasi andami talgang praktikal na recipe ang matututunan ko... Thanks.
(claire)
Thanks Claire....Click mo din yung mga ads ha para naman maka-earn ako ng points sa google. Marami pang recipes na lalabas...hehehe.
Possible pala ang no bake Lasagna,galing ah!
Oo naman Willa...Yun lang dapat well done yung pasta na gagamitin. Also, di ba bine-bake lang naman yun just to melt yung cheese sa ibabaw. Winner to promise....hehehe

Thanks
Anonymous said…
sarap nmn po... pwede po b wala ng dried basil?
Dennis Glorioso said…
Thanks Anonymous. Pwede naman...yun lang syempre maiiba ang lasa. Yun kasi ang flavor na kakaiba sa kabuuab ng dish.

Anonymous said…
Hello po kuya,ginawa ko po ung recipe mo yesterday. favorite po kc ng hubby ko,birthday nya today kealn may work kea kahapon po ako nagluto. sarap na sarap po xa,at napapasayaw pa ehehe. thank you po sa recipe =))


Zy..
Dennis Glorioso said…
Thank din Zy...Natutuwa ako kapag nakaka-received ng mga feedback na katulad ng sa iyo. Yung sinubukan nila ang aking recipe at nakuha naman nila ng tama at nagustuhan.

I hope you continue visit my blog and sana din paki-click na lang ng mga ads para maka-earn naman ako ng points sa Google.

Thanks again


DEnnis
Anonymous said…
Lagi ko po visit blog mo kuya dennis,im always checking if you have new recipes. Kung meron po ako pwede lutuin na kaya ko since ndi po talaga ako marunong magluto ehehe. So thank you po ulet. Cge po magclick po ako ng ads..

Godbless,
Zy
Dennis Glorioso said…
Thanks again Zy...basta may questions ka sa mga recipes ko huwag kang magdalawang isip na mag-tanong sa akin. Pwede mo akong i-email sa denniscglorioso@yahoo.com
Anonymous said…
Hi po! Ilan po servings magagawa nito?
Dennis Glorioso said…
Hello! Di ko masabi kung ilan....depende sa kakain...hehehehe. Pero siguro mga 20 katao.

Thanks for the visit
Anonymous said…
Hello sir. Paano po kaya yung nabili kong lasagna noodles. No need to pre cook nkalagay. Pwede ko po ba yun pakuluan?
Dennis Glorioso said…
Ngayon lang ako naka-dinig ng lasagna pasta na no need to pre cook???? Please check carefully the direction in the label.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE