SINIGANG na PANGA ng TUNA



Naitanong ko na din sa isang post ko sa food blog kong ito kung alin sa mga pagkaing Pinoy ang pwede nating gawing Pambansang Ulam.   Ofcourse, nangunguna dito ang Adobo at pumapangalawa naman ang Sinigang.   Pareho kasi ang ulam na ito na napaka-versatile.  Mapa karne, isda man o gulay ay pwede mong lutuin na ganito.

Sa sinigang, marami na din akong nabasa na ibat-ibang pamamaraan sa pagluluto.   Kayo?   Papaano ba kayo nagluluto ng sinigang?   Ako, kapag karne kagaya ng baboy o baka, basta pinakukuluan ko lang ang karne na may sibuyas at kamatis.   At kung malambot na ito, saka ko inilalagay ang gulay at ang pang-asim.

Kapag isda naman o manok, iginigisa ko muna ito sa luya, bawang at kamatis at saka ko sinasabawan.   Kung malambot na ang manok o isda ay saka ko inilalagay ang mga gulay.   Nakaka-alis kasi ng lansa ang luya sa manok at isda.

At ganitong luto nga ang ginawa ko dito sa panga ng tuna na nabili ko kagabi.  First time ko pa lang na magluto ng panga ng tuna.   At nito ko lang nalaman na masarap pala itong isigang.   Masarap at malasa talaga ang sabaw na talaga namang tamang-tama ngayon maulan ang panahon.


SINIGANG na PANGA ng TUNA

Mga Sangkap:
1 kilo Panga ng tuna (cut into serving pieces)
1 sachet Sinigang sa Sampalok Mix
2 thumb size Ginger (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
1 large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Canola Oil
Siling pang-sigang
Kangkong
Sitaw
Labanos
Okra
Salt or Patis to taste


Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang panga ng tuna at timplahan ng asin o patis.
3.  Lagyan ng nais na dami ng sabaw.   Takpan at hayaang kumulo.
4.  Ilagay na ang gulay.  Unahin ang gulay na matagal maluto kagaya ng sitaw at okra.   Pwedeng isama na din ang labanos at siling pang-sigang
5.   Kung malapit nang maluto ang gulay, ilagay na ang sinigang mix, at kangkong.
6.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!!


This is my entry for:
FTFBadge

Comments

i♥pinkc00kies said…
basta sinigang, winner! :D
Dennis said…
Correct!!! Pinkcookies.....lalo na ngayong maulan ang panahon....hehehehe
iska said…
Masarap nga yan sa sinigang. Ang nasubukan ko naman dati ay panga at ulo ng salmon. Sarap din :-)
Dennis said…
Thanks Iska....nsubukan ko na ang ulo ng salmon....Winner yun....may kamahalan nga lang....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy