BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE


Ano ba ang luto na pwedeng gawin sa karne ng baka?   Pangkaraniwan siguro ay nilaga, mechado, afritada o bistek.   Actually, marami pa.  Yung iba isinisigang din ito kagaya ng baboy para daw may sabaw.   Sabagay, masarap naman talagang sabawan ang baka komo malasa ang karne nito.

Idagdag nyo na din siguro itong dish natin for today ang Beef and Mushroom in Oyster  Sauce.   Madali lang itong lutuin.   Hindi komplikado ang mga sangkap at madali lang lutuin.   Ang matagal lang sigurong gagawin dito ay yung pagpapalambot ng karne.

Try nyo ito.   Masarap at madali lang talagang lutuin.


BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (whole)
1 big can Button Mushroom (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
2 tbs. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tbsp. Canola Oil
Onion Leaves or leeks to garnish
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang baka sa tubig na may konting asin hanggang sa lumambot.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin
2.   I-slice ang nilagang karne ng baka sa nais na nipis at laki.
3.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
4.   Ilagay na ang hiniwang karne ng baka, sliced botton mushroom, toyo at oyster sauce.
5.   Timplahan ng konting asin, paminta at brown sugar.   Halu-haluin.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.   Huling ilagay ang sesame oil at saka hanguin sa iang lalagyan.
9.   Lagyan ng hiniwang leeks o onion leaves sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
yung mushroom when ilagay?
Dennis said…
Salamat Rose....na-miss ko yun ah...hehehehe. Actually kasabay na din yung nung beef. Salamat at na-correct ko yung procedures.

Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy