PORK RIBS SINIGANG

May mga nabasa, nakita at napanood na akong survey sa kung ano daw ang maituturing na pambansang ulam nating mga Pilipino.   Para sa akin, ang adobo ang nangunguna at pumapangalawa naman ay itong sinigang.   Pareho kasi itong napaka-versatile at hindi lamang sa mga sangkap, kundi maging sa pamamaraan ng pagluluto nito.

May ilang sinigang dish na din ako sa archive at siguro naman ay lahat halos tayo ay alam at marunong magluto nitong paborito nating sinigang.   Pero ninais ko na i-post pa din ang sinigang dish na ito komo espesyal talaga ang pangunahing sangkap na ginamit ko dito.

Pork ribs ang ginamit ko dito.   Ito yung ginagamit ng marami sa kanilang roasted pork ribs.  Medyo may kamahalan kaya dapat lang na espesyal na luto ang gagawin.   Pero naisip ko, komo nag-uulan, na masarap itong iluto na may sabaw.  Although, mas gusto ko yung may taba ng konti ang aking sinigang na baboy, naisip kong magugustuhan ito ng aking asawa at mga anak kung isisigang ko nga.

At eto na nga, ang mainit at masarap na sinigang.   Huwag kalimutan ang patis sa side habang kinakain ito.  hehehehe


PORK RIBS SINIGANG

Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork ribs (cut in-between ribs)
1 sachet Sinigang sa Sampalok Mix
Kangkong
Sitaw
Okra
Sigarilyas
5 pcs. Siling pang-sigang
2 pcs. Kamatis (quartered)
1 large Onion (quatered)
Salt or Patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang pork ribs sa tubig na may asin.   Hayaang kumulo hangang sa lumambot na ang laman.
2.   Ilagay na ang sibuyas at kamatis.   Hayaan muling kumulo ng mga 5 minuto.
3.  Sunod na ilagay ang sitaw, okra, sigarilyas at siling pang-sigang.   Takpan muli at hayaang maluto ang mga gulay.
4.  Huling ilagay ang Kangkong at sinigang mix.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

zachariketayluz said…
sarap nyan kuya dennis lalo na ngayong naguulan =)
Dennis Glorioso said…
Oo nga Zach...tapos may sawsawan kang patis na may sili...winner!!!!

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)