PANGANGALULUWA O TRICK or TREAT?

Pangangaluluwa o Trick or Treat?   Hindi ko alam kung alam nyo ang ibig sabihin ng 'pangangaluluwa'.   Pero ito ay matandang kaugalian na naabutan ko naman kung saan ang mga bata o matatanda na din ay nananapatan sa mga bahay-bahay at kumakanta (parang nagka-caroling) at binibigyan ng kung ano man pero madalas ay pera ang ibinibigay.   May parte nga dun sa kinakanta na ganito...."kaluluwa kaming tambing...sa purgatoryo po ay nang-galing...kung kami'y lilimusan...dali-daliin lamang....baka kami mapag-sarhan ng pintuna ng kalangitan".   Pwede din naman kumanat ng kahit ano.  Kahit nga pamasko ay pwede.   Ganito noon ipinagdiriwang ang ang mga araw baago ang todos los Santos.


Ngayon iba na.   Nahawa tayo sa impluwensya ng mga Western countries at sa komersiyalismo ng mga malalaking mall, naging trick or treat ang naging in lalo na sa mga bata.   Dito, nagsusuot ang mga bata ng mga costume na nakakatakot at yung iba naman ay yung mga super heroes at pumupunta sa mga bahay bahay at nagsasabi ng "Trick or Treat".   Ang mga may bahay naman ay nagbibigay ng mga candies o anuman para sa mga bata.

Sa aking opisina na pinapasukan (Megaworld Corporation), naging tradisyon itong trick or treat sa mga anak, kapatid o pamangkin ng mga empleyado.   This year super heroes ang aming theme.   Kaya naman halos lahat ng mga bata ay naka-superhero costume.   Ayun ang anak ko sa pict na naka-batman.   hehehehe

Masaya ang lahat lalo na ang mga bata sa halfday na event na ito dito sa aming opisina.   Umuwi ang mga bata na pagod man ay masaya sa dami ng goodies na kanilang natanggap.

Till next year....

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)