PATA HUMBA in PINEAPPLE JUICE


Ang Humba ay isang dish na kilalang-kilala sa parte ng Bisayas at Mindanao.   Considered itong espesyal na pagkain sa mga handaan o espesyal na okasyon.   Pork belly o liempo ang pangkaraniwang ginagamit sa pagluluto nito, but this time pata naman ang ginamit ko.   For added twist, nilagyan ko ito ng pineapple juice para mas lalo pang sumarap.

Madali lang lutuin ang dish na ito.  Kahit siguro hindi marunong magluto o naguumpisa pa lang mag-aral magluto ay kayang-kaya itong gawin.   Bakit naman hindi?   Ilalagay mo lang ang lahat ng mga sangkap sa kaserolang paglulutuan at hintayin mo na lang na lumambot ang karne.   Try it!


PATA HUMBA in PINEAPPLE JUICE

Mga Sangkap:
1 whole Pata ng Baboy (sliced)
1 can Pineapple Juice
1/2 cup Vinegar
1/2 Cup Soy Sauce
1 head minced Garlic
2 pcs. Dried Laurel Leaves
2 pcs. Star Anise
2 tbsp. Black Bean Sauce
1 cup Brown Sugar
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa cornstarch.
2.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.  ang tamang lasa nito ay yung naghahalo ang alat, asim, at tamis.
4.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

J said…
Kuya, ang humba naman namin ay manamis-namis at may nilagang itlog!
Dennis said…
Yup...manamis-namis ito J..yun lang wala itong itlog...hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy