SINAMPALUKANG MANOK with a TWIST
Isa sa mga paboritong soup dish ng aking mga anak ay itong Sinampalukang Manok. Basta ito ang ulam namin, siguradong ubos ang aming kanin. Si James na pangalawang kong anak naka-ilang hingi ng kanin sa akin. Hehehehe. Masarap naman kasi talaga lalo na ang sabaw nito. Sarap ulamin nito lalo na ngayong naguuulan. Hehehehe
Ang gusto ko pang ipunto sa post kong ito ay kung papaano pa mapapasarap ang isang dish na masarap na. May nag-message nga sa akin na natutuwa daw siya sa blog kong ito dahil nagagawan ko pa daw ng twist ang mga pangkaraniwang dish na inuulam natin. Dapat naman. Hindi tayo dapat matali sa traditional na luto ng mga nakagisnan na nating pang-ulam.
Kagaya nitong Sinampalukang Manok na ito. May nakita ako sa supermarket na sinigang mix na may lemon grass o tanglad. Tapos, may napanood naman ako sa TV sa isang cooking show na sa Bacolod at Ilo-ilo daw ay pangkaraniwang nilalagyan ng tanglad ang kanilang mga paboritong dish. At dito ko naisipan na bakit hindi ko ito gayahin at lagyan din ng tanglad ang aking sinampalukan. Hindi naman masama na pasarapin pa ang dati nang masarap. hehehehe. Try nyo ito. Winner ang sabaw nito.
SINAMPALUKANG MANOK with A TWIST
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 sachet Sinigang sa Sampalok Mix
1 tali Sitaw (cut into 1 inch long)
Sigarilyas
Siling pang-sigang
2 thumb size Ginger (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 tangkay Tanglad o lemon Grass (white portion only)
2 tbsp. Canola Oil
1 tsp. Magie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
2. Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan na ng tamang dami ng sabaw at ilagay na din ang lemon grass (pitpitin muna ang tanglad bago ilagay). Takpan at hayaan kumulo.
4. Ilagay na ang sitaw, sigarilyas at siling pang-sigang. Takpan muli at hayaang maluto ang mga gulay.
5. Ilagay na ang sinigang mix at maggie magic sarap. Tikmanat i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments
Also, in the original recipe ng sinampalukang manok, murang dahon ng sampalok ang ginagamit na pang-asim. Ganyan namin yan niluluto sa Bulacan.
Regards,