ATE JOY'S 50th BIRTHDAY

Last November 22, nag-celebrate ng kanayang 50th Birthday ang aking kaibigan at kapitbahay na si Ate Joy.   Ilang buwan pa bago ang kanyang kaarawan, nagtatanong na siya sa akin kung ano ang masarap na pagkain na pwede niyang ihanda.

Marami kaming pinagpilian at isa sa kanyang request ay ang paborito din naming Crab and Cucumber Spring Roll.   Hindi siya talaga kumakain ng gulay, pero nang matikman niya ito nung nakaraan kong kaarawan ay nagustuhan talaga niya.   nagpapaturo pa nga siya kung papaano itong gawin.   At ito na nga ang aking ginawa para sa kanya at pa-birthday ko na din sa kanya.

Maraming pagkain ang naka-hain sa buffet table.   Yung iba ay bigay din ng kanyang mga kaibigan at yung iba naman ay in-order na lang niya.


Sa aking pagkakatanda ito ang mga pagkain na inihanda:   May lechon manok, pork caldereta, arroz valenciana, buttered shrimp, inihaw na tuna, barbeque, calderetang kambing, kinilaw na tuna, lumpiang shanghai at marami pang iba.   May nagbigay din ng 3 buong lechon.   Meron ding baked macaroni, pancit palabok, spaghetti, lumpiang sariwa, assorted maki, mga kakanin at sari-saring prutas.

Nakakatuwa dahil bakas sa mukha ng may birthday ang kanyang kasiyahan.   Dumating din pala mula sa Bacolod ang kanyang ina at mga kapatid.

Ofcourse, pwede bang mawala kami ng asawa kong si Jolly sa okasyon na ito?   hehehehe.

Hindi nawala din ang aming mga kaibigan na nakatira din sa condo na aming tinitirhan.   Kami yung ilan sa mga nauna na tumira sa condo na yun.

Ito ang dish na ginawa ko sa kahilingan na din ng may birthday.   Crab and Cucumber Spring Roll.  Our all time favorite.

Hindi na namin nahinatay na matapos ang party komo may pasok pa kami sa kinabukasan.   Mga 10pm ay nilisan ko na din ang multi-purpose hall ng condo kung saan ginanap ang party.

Sa aking kaibigan at kapitbahay na si Ate Joy....muli HAPPY HAPPY BIRTHDAY.   Nagpapasalamat ako sa Diyos at naging kaibigan kita at kapitbahay.   Marami ang naitulong mo sa akin at sa aking pamilya.   Kaya dalangin ko sa Diyos na bigyan ka pa ng maraming kaarawan at malusog na pangangatawan.

AMEN


Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)