BEEF MECHADO


Marami ang nalilito sa tomato base beef stew na ito.  Kahit ako nung una ay nalilito dito.   Para kasi siyang beef caldereta din or beef afritada.  Pare-parehong tomato base stew ito.   Ang pagkakaiba lang ay ang iba pang mga sangkap nito at ang paraan ng pagluluto.

Also, marami ang nagkakamali sa Beef Mechado at Beef Morcon.   Ang beef morcon ay manipis na hiwa ng karne ng baka na pinalaman ng chorizo de bilabo, atay at taba ng baboy, carrots, red bell pepper at keso.   Niluluto din ito sa tomato sauce at paste.   Samantalang ang Beef mechado ay isang pahabang hiwa ng karne ng baka (parang log) at nilalagyan ito ng taba ng baboy sa gitna na nagsisilbing "micha" nito.   Inilalagay ito sa gitna para hindi maging dry ang karne ng baka habang pinalalambot.  Pero komo matagal palambutin ito kung isang log ang pagkahiwa nito, minarapat ng marami na hiwain ito ng pa-cube para mas madaling maluto.

Ito marahil ang pinaka-simpleng beef stew na pwedng gawin.  Pero wag ka, punong-puno ito ng flavor.

Narito ang version ko ng aking Beef Mechado.   Try nyo din po.


BEEF MECHADO

Mga Sangkap:
1 kilo Beef (cut into cubes)
2 cups Tomato Sauce
2 pcs. large size Potatoes (cut into large cubes, same size as the beef)
1 pc. large  Carrot (cut into cubes)
2 tbsp. Sweet Pickel Relish
2 pcs. Dried laurel Leaves
1/3 cup Vinegar or juice from 8 pcs. Calamansi
1/2 cup Soy Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heqavy bottom na kaserola, ilagay ang lahat ng mga sangkap maliban sa patatas, carrots at tomato sauce.
2.   Isalang sa kalan ay hayaang masangkutsa.   Lagyan ng tubig.  Dapat lubog ang karne.  Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.   Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang tomato sauce, carrots at patatas.   Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
4.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Oo nga kuya. Nagluto ako ng mechado, sabi ng asawa ko pareho daw ng afritada. Ano kaya alam niya eh nun lang siya nakatikim ng mechado hehehe.
Dennis Glorioso said…
Afritada mostly are pork and chicken. Pag beef, mechado na yun. Sabihin mo...Basta mechado yan.....hahahahaha.
bhong engalan said…
Sir, try ko lutuin ito mamya para new year.. hehehe mukhang masarap.. pork na lang pede po ba? medyo mahal ang beef tsaka me pork pa kasi nakatabi sa ref.. thank you. Happy new year.. sir dennis
Dennis Glorioso said…
Pwede naman Bhong....Pork Mechado na nga lang ang tawag dito....hehehehe
bhong engalan said…
Hi sir dennis. okay nman tama ka pork mechado nga hehehe... pero sir, masarap nman ang kinalabasan. na gustuhan ng mga kids even my wife.. hehehe thank you uli.
Dennis Glorioso said…
Salamat ulit Bhong. Happy 3 Kings sa iyong pailya.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)