GINISANG MUNGGO with MEATBALLS


This is the third dish na nagawa ko gamit ang meatballs o bola-bola na ginawa ko.   Remember?   Nailahok ko siya sa gulay na parang chopsuey, sa noodles na parang soup at ngayon nga ay dito sa classic na ginisang munggo.   You know what?   Di ko akalin na ganun kasarap ang kakalabasan ng ginisang munggong ito.   Or maybe sa tagal na hindi ako nakaka-kain nito ay na miss ko lang ang lasa.   hehehehe.

May 8 pcs. pa siguro na bola-bola na nasa freezer morethan a week na.   Kaya nga nitong nakaraang Biyernes naisipan kong magluto nitong ginisang munggo at ito nga bola-bola ang gamitin kong pang-sahog.   Nag-prito din pala ako ng tilapia para may katerno itong ginisang munggong ito.   Winner talaga ang dinner namin last Friday.   Well, na-miss ko lang talaga ang ginisang munggo.   hehehehe


GINISANG MUNGGO with MEATBALLS

Mga Sangkap:
2 cups Green Monggo Beans (ibabad sa tubig bago ilaga)
8-10 pcs. Meatballs o Bola-bola (please see my previous post on meatballs)
Pork Broth or 2 pcs. Knorr Pork cubes
Dahon ng Ampalaya
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (Sliced)
2 pcs. Tomatoes (sliced)
2 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Ilaga ang ibinabad na munggo hanggang sa madurog.
2.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.   Isama na din ang mga bola-bola.   Dahan-dahan lang ang pag-halo para di madurog ang mga bola-bola.
3.   Ilagay na ang inilagang munggo sa ginisang mga sangkap.
4.   Ilagay ang pork broth o knorr cubes at hayaang kumulo.
5.   Timplahan ng asin at paminta.   Tikman at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang dahon ng amplaya at saka patayin ang apoy.

Ihain habang mainit pa at may kasamang pritong isda.

Enjoy!!!

NOTE:   To make it more special, lagyan ng ginayat na chicharong baboy sa ibabaw.  TY

Comments

J said…
Ay ako naman po kuya ang gusto ko with munggo ay tinapa! Hehehe.
Elma Placido said…
masarap sana mo yan kaso ang gout ko ! aroy! aroy !
Dennis Glorioso said…
Tama J....may version na ako na ganyan sa archive...Thanks ha
Dennis Glorioso said…
Hahahaha....Thanks Elma...pareho tayo....hehehe. Pero kung paminsan-minsan ay okay lang...hehehe...may mefenamic acid naman na katapat yan.

Thanks for the visit.

Dennis

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

TORTANG ALIMASAG (Crab Meat)