PASKO sa BATANGAS 2012


Every year, sa bayan ng aking asawa na si Jolly sa San Jose, Batangas kami nagdiriwang ng Pasko.   Nag-iisa lang kasi ang aking biyenan na si Inay Elo kaya naman sinasamahan namin siyang hinihintay ang pagsapit ng Pasko.

December 23 pa lang ay maaga na kaming umuwi ng Batangas para sa ilang araw na bakasyon.   Dala-dala na namin ang lahat na gagamitin sa pagdiriwang.


Syempre, December 24 ay dumalo kami ng huling Simbang Gabi sa kapilya na malapit sa bahay ng aking biyenan .   Ang pamilya pala namin ang sponsor sa pa-misa ng gabing iyun.

After ng misa ay nagkaroon ng salo-salo.   Ang bawat pamilya ay may dalang pagkain na pagsasaluhan sa gabing yun.   Spaghetti ang aking niluto para i-share.   Nakakatuwa naman at naubos agad.

Marami ang may dala ng pagkain.   Sa aking pagkatanda ito ang mga pagkaibng aming pinagsaluhan:  Kare-kare, lechon kawali, pork adobo, pancit miki bihon, afritada, enseladang gulay, halabos na hipon at maraming pang iba.   Mayroon ding mga sandwiches at mintamis na panghimagas.

Pagkatapos ng kainan ay nagkaroon din ng mga palaro.   Hataw sa sayaw at laro ang bunso kong anak na si Anton.   Nanalo din siya ng P400 sa mga games.

Syempre, di mawawala ang inuman sa mga ganitong okasyon.   Kaya habang naglalaro ang mga kabataan at kababaihan, hataw naman sa barikan ang mga kalalakihan.   Hehehehe


Mga 10pm ay bumalik na kami sa kani-kaniyang tahanan para naman sa Noche Buena.  Ginawa ko muna ang california maki at sakto namang bago mag-12 ay nakahanda na ang mesa para sa Noche Buena.   Bagamat busog pa kami sa kinain namin sa party, nagsalo muli kami naman sa pagkaing aking inihanda.

Nagluto ako ng Relyenong Manok, Mixed Seafoods and Penne pasta in White Sauce, Baby Potatoes and Bacon in Cheesy Sauce, California Maki and Peach ang Mango Float naman para sa dessert.


Kinabukasan sa tanghalian naman ay sa bahay ng aking bayaw na si Kuya Alex kami nagtanghalian.   Ako ang pinagluto niya nitong Ginataang Alimango, Sitaw at Kalabasa.

Mayroon ding halabos na sugbo sa Sprite.

At inadobong baboy sa achuete.   Dinala ko din ang niluto kong relyenong manok para pagsaluhan.

May dessert din na leche plan at buko salad.

Natapos ang gabi ng pasko na masaya ang lahat.   At eto ang aking bunsong si Anton na nagbibilang ng kanyang napamaskuhan.


MALIGAYANG PASKO muli sa LAHAT!!!!

Comments

Unknown said…
Mang DEnnis, galing sa Cambodia binabati ko kayo at ang iyong pamilya ng maligang pasko at manigong bagong taon. maraming salamat po sa mga masasarap na recipe na niluluto nyo sa iyong blog at naishare nyo sa amin.

Big hugs for Christmas!
Dennis said…
Thank you Ms. Elma. Asahan mo ang marami pang katakam-takam na putahe sa blog na ito sa darating na taon. I hope makuha ko pa rin ang suporta mo at ng iyong mga kaibigan sa food blog kong ito.

Happy New Year!!!!
Anonymous said…
Merry Christmas Sir Dennis! More blessings for you and your family. And of course more recipes for us your avid readers. God bless you always...Mommy Marie
Dennis said…
Thanks Mommy Marie....Happy new Year to you and your family.

Hanggat may nag-me-message sa akin na katulad mo (at nagki-click ng mga ads...hahahaha)....magpapatuloy ako sa pagpo-post ng masasarap na mga dish....hehehehe

God Bless us all this coming 2013.


Dennis
Anonymous said…
Promise Sir, I will always be here to read your blog and click your ads too, of course! Happy New Year again.... Mommy Marie
Dennis said…
Hahahaha...Thanks Mommy Marie....kaya nga di ako tumitigil sa pagpo-post ng mga masasarap na recipes pa dahil sa mga regular visitors na kagaya mo. Hehehehe

Happy New Year po!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy