PORK ESTOFADO ala DENNIS

Noon ko pa gustong magluto ng estofado.   Pero nung mabasa ko ang mga recipes dito sa Net ng Estofado, nagdalawang isip ako dahil parang kakaiba ito as compare sa alam kong estofado.   Yung mga nabasa ko, halos pare-pareho lang.   Parang adobo lang siya na nilagyan ng  brown sugar, carrots at pritong saging na saba.

Yun namang nakalakihan kong estofado ay iba.   Balat at laman ng baka ang ginagamit dito at masabaw ito.   Meron din siyang saging na saba at nilalagyan din ng kamote.   Manamis-namis din ito at masarap talagang ulaman ng mainit na tinapay.

Noong nabubuhay pa ang aking Inang Lina, winner siya sa pagluluto nitong estofado.   Kahit nga ang Ate Mary Ann ko ay di matumbasan ang luto ng aking Inang.   Kaya naman naisipan kong magluto din nito pero gamit ang karne ng baboy.   Halos ginaya ko din yung ibang nabasa ko na luto ng estofado pero ang pinaka-iba siguro dito ay yung nilagyan ng kung ano-anong herbs kagayan ng star anisem cinamon bark, laurel at oregano leaves.   Yun din kasi ang inilalagay ng aking Inang kapag nagluluto siya nito.

Kaya nga Ala Dennis ang inilagay kong pangalan sa estofadong ito dahil pinagsama ko ang recipe ng aking Inang Lina at yung mga nabasa ko dito sa Net.


PORK ESTOFADO ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim o Pigue (cut into cubes)
6 pcs. Saging na Saba
1 cup Flour or Cornstarch
3 pcs. Star Anise
2 tbsp. Dried Oregano
2 pcs. Dried Laurel leaves
small pc. of Cinnamon bark
1/2 cup Vinegar
3/4 cup Sweet Soy sauce
3 cups Brown Sugar
1/4 cup Toasted Peanut
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Leeks to garnish
2 tbsp. Canola oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan mh asin at paminta ang karne ng baboy.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Ihalo ang harina sa tinimplahang karne ng baboy.
3.   I-prito muna ang mga hiniwang saging na saba hanggang sa pumula lang ng bahagya.
4.   I-prito ito hanggang sa mag-brown lang ng bahagya ang mga sides.
5.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang sa mantika.
6.   Ilagay na agad ang piniritong karne ng baboy at timplahan ng suka at toyo.  Lagyan na din ng mga 3 tasang tubig.
7.   Ilagay na din ang mga spices:   Oregano, laurel, star anise at cinamon bark.   Takpan at hayaang maluto ang karne.
8.   Kung malapit ng maluto ang karne, ilagay na ang brown sugar at takpan muli.
9.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10.   Ilagay na ang piniritong saging na saba at toasted peanut bago hanguin sa apoy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE