ADOBO FRIED RICE with ADOBO FLAKES
Nagluto ako ng pork adobo nitong nakaraang araw. Sinamahan ko pa ito ng nilagang itlog para pamparami na din. Masarap talaga ang adobo lalo na kung kinabukaan mo kakainin. Yun lang napulaan ako ng aking asawang si Jolly komo masyado daw malalaki ang hiwa ng piraso ng karne. Hehehehe
Komo nga sinamahan ko pa ng hard boiled eggs ang adobo, may natira pang ilang piraso na malalaki ang hiwa ng karne. May natira din na kanin ng nakaraan naming dinner kaya naisipan kong isangag na lang ito at ihahalo ang natira pang adobo.
I did not expect na ganun kasarap ang kakalabasan ng adobo fried rice na yun dahil habang kinakain mo parang layer layer ang flavor na iyong nalalasahan. Nandun yung sarap na lasa ng adobo at yung crispiness nung karne. Try nyo ito. This not your ordinary adobo fried rice although halos pareho lang ang paraan ng pagluluto.
ADOBO FRIED RICE with ADOBO FLAKES
Mga Sangkap:
6 cups Cooked left over Rice (mas mainam kung ilalagay muna ng overnight sa fridge bago lutuin)
1/2 cup Adobo Sauce
2 cups Pork Adobo (himayin gamit ang tinidor)
1 head minced Garlic
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
1/4 cup Canola Oil
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang hinimay na pork adobo sa mantika hanggang sa matusta ito.
2. Isunod na agad ang bawang at papulahin ng kaunti.
3. Isunod na ang kanin at timplahan ng adobo sauce at maggie magic sarap. Haluing mabuti.
4. Tikman kung tama na ang alat. I-adjust gamit ang asin o sauce pa ng adobo.
Ihain habang mainit pa. Maaring lagyan ng hard boiled egg sa ibabaw.
Enjoy!!!!

Comments
By the way, I copied your fish with black bean sauce. Sarap!!! Halos higupin ng asawa ko yung sabaw (I made it a bit soupy kasi). I will post it on my blog soon. Thanks kuya!
Matanong ko lang J.....pag nag-ba-browse ka dito sa blog ko...may nakikita ka bang mga Ads? Mula kasi nitong February halos walang pumapasok na Ads sa mga post ko. Yung sa blog mo ganun din ba?