MACARONI with TUNA and CRAB MEAT SAUCE

Last holiday season, may ilang kilo ng elbow macaroni pasta din ang natanggap ko mula sa mga kaibigan.   At dalawa lang luto ang pwede kong gawin dito, gawing sopas at lagyan ng sauce.

Mapa sopas man o may sauce, marami tayong pwedeng ihalo o isahog sa mga pasta.   Nasa sa atin na siguro kung ano ang trip nating isama.   Basta ang tatandaan lang natin, dapat malasa yung sahog na ilalahok natin sa pasta komo matabang naman ito at halos walang lasa.

At ganun nga ang ginawa ko sa pasta dish na ito na inalmusal namin nitong nakaraang Sabado.   Parang ala carbonara ang ginawa kong sauce na may lahok na canned tuna at crab sticks.  Nilagyan ko din ng dried basil para mas lalo pang sumarap.


MACARONI with TUNA and CRAB MEAT SAUCE

Mga Sangkap:

1/2 kilo Elbow Macaroni Pasta
1 big can Century Tuna Flakes in Oil
10 pcs. Crab Sticks (cut into 1/2 inch long)
1 tetra brick All Purpose Cream
2 cups grated Cheese
3 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion (chopped)
1/2 tsp. Dried Basil leaves
Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
1 cup Sabaw ng pinaglagaan ng pasta

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang macaroni pasta according to package directions.   Hayaang umalsa muna sa loob ng 5 minuto bago i-drain.   Magtabi ng 1 tasa ng sabaw nito.
2.  Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3.  Ilagay na agad ang tuna flakes kasama ang oil nito.
4.  Ilagay na din ang all purpose cream at yung 1 cup na sabaw ng pinaglagaan ng pasta..   Timplahan ng asin, paminta, maggie magic sarap at dried basil.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.  Ilagay na ang macaroni pasta, hiniwang crab sticks at 1 cup ng grated cheese.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang 1 cup a na grated cheese

Ihain habang mainit pa na may kasamang toasted bread or pandesal.

Enjoy!!!!



-->

Comments

J said…
Hi kuya! Meron naman pong ad na nasa side bar. Kinlick ko nga eh hehe.
Dennis said…
Anong Ad yun? Blogger.com lang yung lagi kong nakikita. Pansin ko kasi this month of Feb halos walang revenue na pumapasok....as in biglang-bigla nawala. Dati mga $1.5 average per day...ngayon madalas zero. Baka kako may bagong policy ang google kaya ganun.
Dennis said…
Ay mayroon na nga....hehehe...baka ngayon pa lang nag-effect. hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy

Tinolang Manok