SINIGANG na LECHONG KAWALI

Noon ko pa gustong magluto nitong Sinigang na Lechon Kawali, ang problema lechon kawali pa lang ang nauubos na kaya wala na akong naipang-sisigang....hehehehe.   Sino ba naman ang may ayaw sa lechon kawali?...hehehehe

Na-inspire akong magluto nito dahil sa dalawang kadahilanan.   Una, nagluto nito yung isa sa mga fnalist ng Master Chef Pinoy Edition na si Carla na naging hit talaga sa mga judges.   Pangalawa, nung na-interview ako ng staff ng Jesica Soho Report sa channel 7, tinatanong nila kung nakapagluto na ako ng sinigang na lechon.   Sabi hindi pa, pero pare-pareho lang kako ang sinigang.

Kaya ayun, nitong nakaraang Linggo, tamang-tama naman at may bisita kami sa aming bahay (ate ng asawa kong si JOlly), nagluto ako nitong sinigang nga na lechong kawali.  Kahit ako ay natuwa sa kinalabasan ng aking sinigang.   Mas masarap ang sabaw nito at nag-level up talaga ang ordinaryong sinigang na baboy.   Kaya masasabi kong winner ang sinigang dish na ito.   Try nyo din.



SINIGANG NA LECHONG KAWALI

1 kilo or more Pork Belly o Liempo (yung manipis lang ang taba)
1 sachet Sinigang Mix (original)
Kangkong
Sitaw
Sigarilyas (wingbeans)
Okra
Labanos
Siling pang-sigang
3 pcs. Kamatis (Quartered)
1 large Onion (Quartered)
5 loves minced Garlic
Patis to taste
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang pork belly sa sa tubig at kaunting asin hanggang sa tamang lambot lang.
2.   Alisin sa pinaglagaan ang karne at palamigin sandali.   Isalang naman ito sa turbo broiler hanggang sa mag-pop ang balat at medyo pumula.   Hanguin at palamigin sandali.
3.   I-cut ng pa-cube ang nilutong lechon kawali.
4.   Sa isang kaserola, igisa ang ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
5.  Ilagay ang sabaw na pinaglagaan ng pork belly.   Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.   Hintaying kumulo.
6.  Sabay-sabay nang ilaga ang mga gulay at ang hiniwang lechong kawali.   Takpan muli at hayaang maluto ang mga gulay.
7.   Ilagay ang sinigang mix at timplahan ng patis.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!




-->



Comments

Dennis said…
Thanks pinkcookies.....alam kahit ako nagulat sa sarap ng sinigang na ito. Try mo din...medyo matrabaho nga lang....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy