CRISPY PORK BELLY with SINIGANG MIX


Na-try nyo na bang gumamit ng sinigang mix para i-marinade ang manok o karne ng baboy?   Ako na-try ko na sa roasted chicken at masarap nga ang kinalabasan.   Actually, nabasa ko din lang sa isa pang food blog ang mga bagay na ito.   Hindi naman masamang subukan kaya nag-try ako.

This time, sa pork belly ko naman ito ginamit.   Yes, yung ordinaryong sinigang sa sampalok powder ang ginamit ko.  Nung una nag-duda ako na baka umasim ang karne komo maasim nga ang sampalok.   Pero hindi.   Tamang-tama lang ang timpla at kakaiba siya sa ordinaryong breadings na natitikman natin.

Also, para maging extra crispy ang pork belly na ito, rice flour ang aking ginamit na hinaluan ko din ng cornstarch.   Ang kinalabasan, mas matagal ang pagla-crispy ng liempo.   Try nyo din.


CRISPY PORK BELLY with SINIGANG MIX

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Belly o Liempo (piliin yung manipis lang ang taba, hiwain na parang pang-ihaw, 3 inches na haba)
1 big sachet Sinigang sa Sampalok Mix
1 cup Rice Flour
1 cup Cornstarch
1 tsp. ground Black Pepper
1 tsp. Magie Magic Sarap
Salt to taste
Cooking Oil for Frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kutsilyo, tusok-tusukin ang laman ng liempo.
2.  I-marinade ang karne sa sinigang mix, asin, paminta at maggie magic sarap.   Hayaan ng overnight.
3.   Sa isang plastic bag, paghaluin ang cornstarch at rice flour.
4.   Ilagay ang minarinade na karne at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng breadings ang lahat ng karne.
5.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
6.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang catsup o Mang Tomas Sarsa ng Lechon.

Enjoy!!!!



-->





Comments

NY fav said…
I wanna try this Dennis for a change, sure masarap nga Ito. Thanks for another new recipe I learned today.
Dennis said…
Thanks NY fav....pwede mo ding gawin yan sa roast or fried chicken. Masarap din. :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy