KINAMATISANG BISUGO





Sobrang init ng panahon ngayon dito sa Pilipinas.   Sabi ng PAG-ASA, mas mainit pa daw sa darating na mga araw.   Haaayyyy.   Kung pwede lang na nasa loob ka na lang ng place na may aircon.   Hehehehe.

At kapag ganitong mainit ang panahon, sino ba naman ang gaganahan na magluto at madarang sa mainit na singaw ng kalan.   Kaya naman, ang ginagawa ko ay yung mga luto o ulam na madali lang gawin ang niluluto ko.

Kagaya nitong dish natin for to day.   Sa lugar ng asawa kong si Jolly sa Batangas natutunan ang dish na ito.   Napaka-simple lang nitong lutuin at simple din lang ang mga sangkap.   At isa pa, hindi mo na kailangan pang bantayan ito habang niluluto.


KINAMATISANG BISUGO

Mga Sangkap:
1 kilo medium size Bisugo (linisin at alisin ang kaliskis)
5 pcs. Kamatis
3 pcs. Siling pang-sigang
1 tbsp. Sinigang Mix
1 large Sibuyas (sliced)
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang paserola, pakuluan ang sibuyas, siling pang-sigang at kamatis sa nais na dami ng sabaw.
2.   Kung kumukulo na, ilagay ang sinigang mix at timplahan ng asin o patis.
3.  Ilagay na ang isda.  Takpan at hayaang maluto ito.
4.  Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Salamat po sa pag-share ninyo nitong recipe na ito! Simple, madaling ihanda, at masarap! May bagong flavor ng sinigang mix na pang-hipon at gumagamit ng pinya na pang asim. Ito po ang ginamit ko sa bisugo at bumagay rin po ito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy