SHRIMP and ALIGUE PASTA


Ito ang isa pang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang Mahal na Araw para sa bisita naming balikbayan at asawa niyang French.   Sabi nga ng balikbayan kong pamangkin, pasta lang ay happy na ang kanyang hubby.   Kaya naman pinili ko talaga ang pasta dish na hindi pangkaraniwan niyang kinakain sa France.   At ito nga ay itong Linguine Pasta na ito na may Aligue Sauce at shrimp.

To add more flavor, nilagyan ko din ito ng chopped parsley na lalong ikinagusto ng bisita.   gusto daw niya yung pasta na may kung ano-anong herbs and spices.   At sa halip na calamansi, lemon naman ang isinama ko dito para mas lalo pang sumarap.

Nakakatuwa dahil nagustuhan ito ng mga balikbayan at ng bisitang French....hehehehe


SHRIMP and ALIGUE PASTA

Mga Sangkap:
1 kilo Linguine Pasta (cooked according to package directions)
400 grams Shrimp (Alisin ang ulo at balat at hatiin sa gitna)
1 small jar or 2 cups Crab Fats o Aligue (Taba ng talangka)
1/3 cup Chopped Parsley
2 cups All Purpose Cream
1 cup grated Cheese
2 tbsp. Olive Oil
1 large Onion (chopped)
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Lemon slices o calamansi


Paraan ng pagluluto:
1.  Lutuin ang pasta according to package directions.   Huwag i-overcooked.  Magtira ng 2 tasa ng sabaw na pinaglagaan ng pasta.
2.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Isunod na agad ang hipon at ang taba ng talangka.
4.   Ilagay na din ang sabaw ng pinaglagaan ng pasta at all-purpose cream.
5.   Timplahan ng asin, paminta, 1/2 cup ng grated cheese.   Halu-haluin
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo ang nilutong pasta at ang chopped parleys.   Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

Ihain na may budbod na parsley at grated cheese sa ibabaw.  Ilagay din on the side ang hiniwang lemon.

Enjoy!!!!





-->





Comments

J said…
Mukhang masarap kuya... pero di ba nakaka-high blood yan?
Dennis Glorioso said…
Masarap talaga J..... Yup..dapat in moderation ito kainin lalo na yung matataas ang cholesterol.

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE