STRAWBERRY SMOOTHIES


Sobrang init ng panahon kahapon nga na-record na 35 degrees dito sa Manila.   Kahit hindi ka masyadong naggagagalaw ay pinagpapawisan ka.   Dito sa office kahit may aircon bukas pa din ang electric fan.   Well, iyan ang init ng tag-araw.   hehehehe.

Sa panahong ganito tiyak na kumikita ang mga resort at ang mga nagtitinda ng palamig.   Yun lang kung sa tabi-tabi ka lang bibili nito, baka in question pa ng malinis ito o hindi.   Better kung gumawa ka na lang at naka-tipid ka pa.   hehehehe.

Kagaya nitong ginawa kong strawberry smoothies.   May nadaanan kasi akong nagtitinda ng fresh strawberries sa may Cubao sa pababa ng MRT.   Nung makita ko ito, palamig kaagad ang naisip kong gawin.   At tamang-tama naman at may condensed milk pa ako sa fridge. 

Palamig po tayo....


STRAWBERRY SMOOTHIES

Mga Sangkap:
250 grams Fresh Strawberries
1 cup Fresh or Condensed milk
2 cups Ice cubes
Sugar to taste

Paraan ng paggawa:
1.   Sa isang blender unang ilagay ang yelo, asukal at gatas.
2.   Paandarin ang blender hanggang sa madurog ang yelo.
3.   Ilagay na ang strawberries hanggang sa maging pino na o smooth ang lahat ng mga sangkap.
4.   Isalin sa isang baso at lagyan ng isang strawberry sa gilid.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

KALDERETANG BUTO-BUTO

KALDERETANG BUTO-BUTO ala BATANGAS

HALABOS na HIPON sa SPRITE, BAWANG at MARGARINE